• March 27, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Batas na maghahati sa QC barangay sa 3, “nag-lapse into law”

“NAG-LAPSED into law’ ang isang batas na maghahati sa Barangay Pasong Putik sa Quezon City sa tatlong “distinct and independent barangays” na walang pirma si Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

 

 

Sa bisa ng Republic Act No. (RA) 11803, mahahati ang Barangay Pasong Putik sa Barangay Pasong Putik Proper, Barangay Greater Lagro, at Barangay North Fairview.

 

 

Ang Barangay Pasong Putik Proper “is bounded on the North by Caloocan City and Quezon City boundary; on the East by Belfast Street, Caloocan City and Quezon City boundary; on the west by Kaligayahan/New Haven and Teresa Heights boundary; and on the South by Quirino Highway, Mindanao Avenue.”

 

 

Ang Barangay Greater Lagro “is bounded on the North by Quirino Highway; on the East by the MWSS Reservoir; on the west by Belfast Street, Mindanao Avenue, Barangay Sta. Monica and Barangay Pasong Putik Boundary; and on the South by a creek, D.B.T. Marbay/Lagro Subdivision boundary.”

 

 

Habang ang Barangay North Fairview “is bounded on the North by D.B.T. Marbay/Lagro Subdivision Boundary; on the East by Lagro Subdivision, Tullahan Creek; on the West by Barangay Sta. Monica and North Fairview Subdivision boundary; and on the South by Barangay Fairview and Tullahan Creek.”

 

 

Sa ilalim ng batas,  ang plebisito na isinagawa at pinamahalaanan ng Commission on Elections  ang magsisilbing substantial compliance  na mayroong plebiscite requirement sa ilalim ng Seksyon 10 ng RA No. 7160  o mas kilala  bilang Local Government Code of 1991.

 

 

Ipagpapatuloy naman ng mga  incumbent barangay officials ng Barangay Pasong Putik Proper, Greater Lagro, at North Fairview  ang kanilang tungkulin hanggang ang mga papalit sa kanila ay ihahalal at kuwalipikado.

 

 

“All public infrastructure and facilities for public use existing at the time of the approval of this act will continue to be owned and administered by the barangays created under Section 1 of this act,” ayon sa batas.

 

 

Ang mga Barangay Pasong Putik Proper, Greater Lagro, at North Fairview ay entitled “to an allotment derived from national taxes pursuant to Section 285 of RA 7160.”

 

 

Ang RA 11803, ay ipinasa ng Kongreso noong Setyembre 14, 2021, inamiyendahan ng Senado noong Enero 31, 2022, at ang  ginawang pag-amyenda ay sinang-ayunan naman ng Kongreso noong Pebrero  2, 2022.

 

 

Samantala, may isa pang batas na naglalayong palitan ang pangalan ng munisipalidad ng  Rodriguez sa Province of Rizal  bilang  Municipality of Montalban ang “lapsed into law” rin noong Hunyo 2.

 

 

Ang RA No. 11812, na nagpawalang-bisa sa Batas Pambansa Blg. 275, may pamagat na “An Act Changing the Name of the Municipality of Montalban, Province of Rizal, to the Municipality of Rodriguez”, ay nag-“lapsed into a law” noong Hunyo 2 nang walang pirma ni Pangulong Duterte.

 

 

“The renaming of the Municipality of Rodriguez as Municipality of Montalban shall be effective upon ratification of the majority of votes cast by qualified voters in a plebiscite to be conducted and supervised by the Commission on Elections in the present Municipality of Rodriguez,” ang nakasaad sa  RA No. 11812, ang nagpawalang-bisa sa Batas Pambansa Blg. 275.

 

 

Ang gastos para sa plebesito ay sasagutiin ng  Municipality of Rodriguez.

 

 

Ang batas ay ipinasa ng Kongreso noong Marso 17, 2021, inamiyendahan ng Senado noong Enero 31, 2022,  kung saan ang inamiyenda ay sinang-ayunan ng Kongreso noong Pebrero  2, 2022.

 

 

May ilang batas  ang nagtatag ng  district offices ng Land Transportation Office at  central multi-species marine hatcheries ang nag-“lapsed into law” din. (Daris Jose)

Other News
  • Pinasilip ang script ng ‘Buybust 2’: ANNE, sa Thailand napiling mag-Holy Week kasama ang mag-ama

    SA Thailand napili ng mag-asawang Anne Curtis at Erwann Heussaff na magbakasyon nitong Holy Week.     Kasama siyempre ang kanilang anak na si Dahlia na at a very young age ay maituturing ng jetsetter.     Sa Phuket, Thailand kunsaan, nasa pool area si Anne, tila ni-reveal na nito ang kanyang pagbabalik pelikula.  Habang naka-bakasyon, […]

  • Synchronized ringing of bells at pagdarasal ng oration imperata, isasagawa

    TINIYAK ng Archdiocese of Manila ang pangangalaga sa mananampalatayang apektado sa pagkansela ng mga malaking pagtitipon tulad ng Banal na Misa kasabay ng pagpapatupad ng community quarantine sa buong bansa upang makaiwas sa COVID-19.   Sa pastoral letter na inilabas ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo, sinabi nitong kanselado ang mga Banal na Misa […]

  • EJ Obiena excited ng maging flag bearer sa SEA Games

    LUBOS  ang kasabikan ni Filipino Pole Vaulter EJ Obiena sa pagiging flag bearer ng bansa sa pagsisimula ngayong araw ng 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.     Dumating ang 26-anyos na si Obiena isang araw bago ang formal opening ceremony na gaganapin sa My Dinh National Stadium.     Napili kasi ang world […]