PDu30, papayagan ang emergency use ng coronavirus vaccines-Sec. Roque
- Published on November 21, 2020
- by @peoplesbalita
PAPAYAGAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang emergency use ng coronavirus vaccines at inaprubahan na ang advance payment sa kanilang private developers.
Tinatayang 8 buwan na ngayon simula ng ipatupad ang iba’t ibang degree ng lockdown dahil sa COVID-19 pandemic.
Ani Presidential Spokesperson Harry Roque, magpapalabas si Pangulong Duterte ng executive order para sa paggamit ng emergency vaccine.
Ibig sabihin aniya nito na ang coronavirus vaccines na inaprubahan ng ibang bansa ay magagamit ‘locally’ matapos ang 21 araw, pababa mula sa kasalukuyang required na 6-month verification.
Pinayagan din ng Punong Ehekutibo ang advance payment sa private vaccine developers para matiyak na makakakuha ang Pilipinas ng suplay ng droga.
Ang mga lokal na kumpanya ani Sec. Roque ay nag- commit na bibili bg dose- dosenang bakuna.
Magbibigay ang mga ito ng 50 hanggang 80 percent ng kanilang mabibiling bakuna sa pamahalaan sa pamamahagi sa mga mahihirap at sa kanilang company employees. (Daris Jose)
-
Pinas, pinaigting at dinagdagan ang mas maraming maritime patrols
PINAIGTING at dinagdagan ng Pilipinas ang pagsasagawa ng mas maraming maritime patrols at freedom of navigation missions sa West Philippine Sea. Kamakailan lamang kasi ay may nangyaring banggaan sa pagitan ng Chinese vessel at Philippine vessel sa karagatan ng pinag-aagawang teritoryo malapit sa Ayungin Shoal o Ren Ai’ Jiao naman sa China. […]
-
PRC, nanawagan sa publiko na maging vigilante laban sa mpox
NANANAWAGAN si Philippine Red Cross (PRC) Chairman at CEO Richard “Dick” Gordon sa publiko na maging vigilante laban sa mpox, kasunod na rin ng ginawang kumpirmasyon ng Department of Health (DOH) na nakapagtala sila ng bagong kaso ng sakit sa bansa nitong Agosto 18 lamang. “With the lessons learned from […]
-
DTI humihirit ng P300-M para sa ‘strike force’ program nila
IPINALIWANAG ni Department of Trade and Industry (DTI) ang kalahagahan ng P300-milyon na program nila. Sinabi ni DTI Secretary Alfredo Pascual na ang nasabing programa ay magtataguyod sila ng “strike Force” na siyang lalaban sa mga hoarders, scammers at mga mapagsamantalang negosyante. Paglilinaw pa ng kalihim na ang nasabing pondo ay […]