• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOH NAGBABALA SA W.I.L.D. OUTBREAK

BINALAAN  ng Department of Health (DOH) ang publiko laban sa posibleng outbreak ng waterborne at foodborne illnesses, influenza-like illnesses, leptospirosis at  dengue (W.I.L.D.) diseases  kasunod ng pananalasa ng nagdaang mga bagyo na nagdulot ng malawakang pagbaha sa ilang lugar sa bansa.

 

Iginiit din ng DOH ang panawagan nito sa pag-iingat laban sa pagkalat ng Covid-19  sa mga lumikas.

 

Ayon sa DOH, ang bagyong Rolly at Ulysess ay nagdulot ng malawakang pagbaha at pinsala na naging dahilan ng mga paglikas sa maraming bahagi ng Luzon.

 

Dahil dito, inalerto na ng DOH ang kanilang Centers for Health Development  dahil sa mga panganib sa kalusugan sa apektadong mga lugar upang patuloy na mag-monitor kasama ang local government units sa kani-kanilang komunidad sa posibleng pagkalat ng W.I.L.D diseases

 

Ayon sa DOH’s epidemiological analysis, ang peak season ng influenza sa bansa ay tuwing Hulyo at Oktubre, kasabay ng pagsisimula ng tag-ulan dahil sa pagbago ng panahon mula sa tag-init at maulang panahon.

 

Samantala, ang mga tubig na hindi dumadaloy ay mga pinamumugaran naman ng lamok  at ang tubig baha na ito ay maaari ring magdala ng bakterya ng leptospira na sanhi ng leptospirosis.

 

Binigyan diin din ng DOH ang pagkagambala ng ligtas na malinis na suplay ng tubig dahil sa pagbaha  na maaring maging sanhi ng kontaminasyopn ng tubig at pagkain na nagdudulot ng iba pang mga sakit tulad ng cholera,typhoid fever,dysentery, amoebiasis,hepatitis A at acute gastroenteritis.

 

Binigyan diin din ng kalihim ang importansya ng pagiging alerto at bigilante sa mga evacuation centers.

 

Sa ngayon,wala pa naman umanong naitatalang kaso ng Covid-19 sa mga evacuation centers , batay na rin sa ulat ng DOH – Health Emergency Management Bureau.

 

Umaasa naman si Duque na walang maging kaso ng Covid-19 sa mga evacuation centers hanggang makauwi ang mga bakwit sa kani-kanilang bahay kung saan patuloy na minimonitor ang health conditions sa  mga apektadong lugar  at patuloy na nagpapaalala ang kagawaran  na sumunod sa minimum health standards na ipinatutupad ng pamahalaan (GENE ADSUARA)

Other News
  • DURA-DURA GANG ARESTADO

    INARESTO  ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang apat na hinihinalang miyembro ng  Dura-Dura Gang nang dakpin ng mga pulis matapos na mambiktima ng mga pasahero ng isang pampublikong bus.   Ang mga naaresto ay sina Jayson Labanin, 26, ng Maganda Street, Sampaloc, Maynila; Mark Bactol, 30, ng V. Mapa St., Sta. Mesa, Maynila; […]

  • MATTHEW PERRY, walang masyadong energy at may kakaiba sa pagsasalita sa reunion ng ‘Friends’

    MARAMING fans nakapanood ng Friends: The Reunion ang worried sa kalusugan ng cast member na si Matthew Perry.     Si Matthew ang gumanap sa role na Chandler Bing sa Friends.     Napansin ng marami ang pag-slur nito kapag nagsasalita at tila wala siyang masyadong energy considering na siya ang pinakanakakatawa sa buong cast. […]

  • PNP naglatag na ng security measures vs magtatangkang manabotahe sa araw ng eleksyon

    NAGLATAG na ng security measures ang Philippine National Police (PNP) laban sa anumang pagtatangkang pananabotahe sa darating na halalan sa Mayo 9.     Sa isang statement tiniyak ni PNP chief Gen. Dionardo Carlos na hindi magtatagumpay ang anumang masamang plano sa mismong araw ng eleksyon dahil nagsasagawa na aniya sila ng contingency measures upang […]