Cabinet officials ni PBBM, sumabak na sa trabaho
- Published on July 4, 2022
- by @peoplesbalita
MAY ILANG miyembro na ng gabinete ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang nagsimula nang sumabak sa kanilang trabaho.
Sa katunayan, may ilan ang nag- first day “warming up” na sa kanilang staff at sinasanay na ang kanilang sarili sa tanggapan na kanilang magiging “official home” sa mga darating na araw.
Isa na rito si Trade Secretary Alfredo Pascual kung saan tinanggap ang flag ng Department of Trade and Industry mula sa dating hepe nito na si Ramon Lopez, sa turnover rites sa nasabing tanggapan.
“It is an honor and privilege for me to be allowed to serve our country, particularly at this time of pandemic recovery and new emerging uncertainties,” ayon kay Pascual sa kanyang naging talumpati sa naturang seremonya.
Sa ilalim ng kanyang liderato, nangako si Pascual na palalakasin ang suporta ng gobyerno sa “micro, small and medium enterprises; boost the country’s manufacturing sector; push for the ease of doing business; lure investors, broaden exportation; and reassess the organizational structure of the department.”
Winelcome naman ni Outgoing Labor Secretary Silvestre Bello III ang bagong department head na si Bienvenido Laguesma, na nangakong ipagpapatuloy ang sinimulan ni Bello sa departamento.
“Sana ‘yung pangarap na makapagbigay ng mga serbisyo dun sa mga higit na nangangailangan, tayo naman ay masugid na ginawa ni Sec. Bello, sana ay aking matugunan,” ayon kay Laguesma.
Si Bello, sa kabilang dako ang siya namang mamumuno sa Manila Economic and Cultural Office bilang chairman nito.
Gayundin, dumalo naman si Department of Public Works and Highways Secretary (DPWH) Manuel Bonoan sa turnover ceremony, araw ng Biyernes.
Matapos ang aktibidad, tumawag na agad ito ng miting kasama ang mga department officials kung saan inilahad niya ang kanyang mga polisiiya at prayoridad.
“I call upon you all my co-workers and the entire DPWH family to do our share and give the best of us in delivering the much-needed infrastructure support to hasten the economic recovery as envisioned by the President,” anito.
Nagsimula naman ng manungkulan si Secretary Susan Ople bilang pinuno ng bagong likha na Department of Migrant Workers (DMW).
Tiniyak ni Ople na ang DMW ay magkakaroon ng zero-tolerance policy para sa illegal recruiters at human traffickers.
Inanunsyo rin nito ang pagtatatag ng One Repatriation Command Center which na mangangasiwa sa repatriation o pagpapauwi sa lahat ng OFWs na nais ng umuwi ng Pilipinas mula sa ibang bansa.
“Bisitahin natin muli lahat ng requirements at ‘yung sistema sa contact verification, pagkuha ng OEC (Overseas Employment Certificate),” ayon kay Ople.
Habang nilibot naman ni Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla ang kanyang bagong tanggapan. Siya ngayon ay nasa “familiarization” stage sa departmento.
-
Ekonomiya ng Pinas lumago ng 5.2% noong Q3 —PSA
LUMAGO ang ekonomiya ng Pilipinas ng 5.2% sa third quarter ng taon , mas mababa kaysa sa 6.4% na naitala sa nakalipas na quarter. Sinabi ng Philippine Statistics Authority (PSA) na ito ang nagdala sa average gross domestic product growth para sa unang three quarters ng 2024 sa 5.8% na bahagyang mababa sa target […]
-
Ilang mga NBA players nakipagpulong kay Pope Francis
Nakipagpulong si Pope Francis sa ilang NBA player na mga opisyala ng National Basketball Players Association. Napag-usapan sa pagpupulong tungkol sa social injustice issues. Kinabibilangan ito nina Kyle Korver ng Milwaukee Bucks, Sterling Brown ng Houston Rockets, Jonathan Isaac ng Orlando Magic, Anthony Tolliver ng Memphis Grizzles at Marco Belinelli ng San Antonio […]
-
Duterte kay Sara: ‘Wag tumakbong president
Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na kinausap niya ang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte at sinabihan na huwag magkakamaling tumakbong presidente ng bansa. Sinabi ni Duterte na ayaw niyang insultuhin ang mga mamamayang Filipino pero wala namang nakukuha sa pagiging presidente maliban sa “sense of fulfillment.” “Aside from […]