Ilang mga NBA players nakipagpulong kay Pope Francis
- Published on November 26, 2020
- by @peoplesbalita
Nakipagpulong si Pope Francis sa ilang NBA player na mga opisyala ng National Basketball Players Association.
Napag-usapan sa pagpupulong tungkol sa social injustice issues.
Kinabibilangan ito nina Kyle Korver ng Milwaukee Bucks, Sterling Brown ng Houston Rockets, Jonathan Isaac ng Orlando Magic, Anthony Tolliver ng Memphis Grizzles at Marco Belinelli ng San Antonio Spurs.
Isinakatuparan ang pagpupulong matapos ang pakikpag-ugnayan ng assitant ng Santo Papa sa nasabing mga NBA players.
Ayon sa Santo Papa na bilang isang manlalaro, mahalaga ang teamwork para maipanalo ang anumang ipinaglalaban.
Tumagal ng mahigit isang oras ang pulong na ginanap sa Apostolic Palace.
Matapos ng pulong ay umikot pa ang mga manlalaro sa St. Peter’s Square.
Magugunitang maraming NBA players ang sumama sa kilos protesta dahil sa nagaganap na racial discrimination at ang mga nagaganap na police brutality sa mga black Americans.
-
₱40B COVID-19 vaccines, maaaring masayang dahil sa mababang vax turnout — Concepcion
NAGBABALA si Presidential adviser for entrepreneurship Joey Concepcion na may ₱40 bilyong halaga ng COVID-19 vaccine doses ang malapit nang mapaso’ o ma-expire at masayang lamang bunsod ng mababang immunization turnout. “Yes, I’m told the cost of all of these vaccines amount to ₱40 billion.” Concepcion said in a public briefing. “Siyempre iba […]
-
Panukalang trials ng face-to-face classes, tinanggihan ni PDu30
TINANGGIHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang panukalang trials ng face-to-face classes. “Nagdesisyon na ang Presidente ha: wala pa rin po tayong face-to-face classes sa bansa,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque. Sinabi ni Sec. Roque na sinabi sa kanya ng Pangulo nang magkausap sila kagabi na ayaw nitong malagay sa panganib ang […]
-
No. 24 sa jersey nina Ravena, Manuel aprub sa PBA
PINAYAGAN na sina Vic Manuel at Kiefer Ravena ng PBA na baguhin ang kanilang jersey number sa pagsisimula ng season-opening ng Philippine Cup bilang tribute sa kanilang idolong si Kobe Bryant. Sinabi ni Commissioner Willie Marcial na dapat magsabi ang mga manlalaro at ibang mother ballclubs sa liga tungkol sa plano nilang pagpapalit upang […]