Pamasahe sa PUJ tumaas muli ng P1
- Published on July 4, 2022
- by @peoplesbalita
TUMAAS ng P1 ang pamasahe sa public utility jeepney (PUJs) simula noong nakaraang Biyernes kung saan ito ay binigyan ng go-signal ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) matapos ang hearing na ginawa noong June 28.
Magiging P11 ang miminum na pamasahe sa mga PUJs mula sa dating P10 kung saan ito ay tumaas muli ng P1.
Sa isang seven-page na desisyon ng LTFRB na nilagdaan noong June 29, sinabi nito na ang mga PUJs sa buong bansa ay binibigyan ng pagkakataon na magtaas provisionally ng P1 sa pamasahe mula sa dating P10 para sa unang apat (4) na kilometro lamang ng pagpasada.
Lahat din na mga modern PUJs sa buong bansa ay pinapayagan na magtaas ng P1 sa pamasahe kung saan ito ay magiging P13. Wala naman mangyayari na pagtataas ng pamasahe sa susunod na mga kilometro para sa dalawang klase ng PUJs.
Dalawang beses ng tumaas ang pamasahe nitong nakaraang buwan dahil sa nararanasan na tumataas ng presyo ng produktong petrolyo mula sa sektor ng transportasyon.
Noong nakaraang ginawang pagdinig ng petisyon ng mga PUJs, nakita ng LTFRB na tumaas ng 14 na beses ang presyo ng diesel simula ngayon taon, mula sa dating P47.52 kada litro hanggang sa ngayon na P89 na kada litro noong nakaraang linggo. Ito rin ang dahilan kung bakit masyado ang pressure ang nararanasan ng sektor.
Sinabi pa rin ng LTFRB na ang nasabing fare increase ay makakatulong sa mga PUJ drivers at operators upang magkaron sila ng disenteng kita at ng mabawasan ang masamang epekto ng oil price increase at ng COVID-19 sa kanilang sektor.
“In issuing this resolution, let it not be said that the agency is indifferent to the plight suffered by the transport sector due to the increase of fuel prices. With the cautious examination of the complexities of the various concerns of our stakeholders, the Board balances the principle that now, more than ever, the need for the riding public to have mass transportation must be sufficiently met,” wika ng LTFRB board.
Sa ilalim ng kondisyon ng provisional increase ng pamasahe, ang mga estudyante, PWDs at senior citizen ay kinakailangan bigyan ng 20 percent discount sa kanilang pamasahe. Kinakailangan din na magpaskil ang mga drivers ng fare matrix sa kanilang mga sasakyan kung saan ito ay makikita ng mga pasahero. LASACMAR
-
Paras puwede na sa PBA – Herrera
PARA kay AMA Online Education Titans coach Mark Herrera, handa na para sa Philippine Basketball Association (PBA) ang anak ni basketball legend Venancio ‘Benjie’ Paras Jr. na si Andre Nicholas Paras. Nagsumite ng aplikasyon nitong Disyembre 21 ang nakababatang Paras para sa 36th PBA Rookie Draft 2021 na gaganapin sa darating na Marso […]
-
Sotto bawal pa sa NBA, sasalang sa NBL, Gilas
TUTUPARIN ni National Basketball Association prospect Kai Zachary Sotto ang manilbihan para sa Gilas Pilipinas gaya nang naipangako habang maghahasa muna sa Adelaide 36ers sa National basketball League sa Australia. Ibinunyag ito nitong Miyerkoles ng 18 taong-gulang at 7-3 ang taas na cage phenom kasabay sa pagseserbisyo sa Nationals na kakampanya sa 30th […]
-
Hawaiian Tropical Paradise ang tema ng debut: SOFIA, hands-on sa preparations para sa kanyang 18th birthday
SA April na ang 18th birthday ng Sparkle teen star na si Sofia Pablo. Kaya ngayon pa lang ay pinaghahandaan na niya ang special day na ito. Hands-on si Sofia sa preparations mula sa isusuot, disenyo ng venue, at pati na rin sa ihahandang mga pagkain. Isang Hawaiian Tropical Paradise ang tema […]