• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

VP Sara, nagbukas ng 6 OVP satellite offices

NAGBUKAS ang Office of the Vice President (OVP) sa ilalim ni Vice President Sara Duterte – Carpio ng anim na satellite offices sa buong bansa.

 

 

Sa isang Facebook post nitong Sabado ng gabi, sinabi ni Duterte-Carpio na ang OVP sa­tellite offices ay matatagpuan sa Dagupan City, Cebu, Tacloban, Zamboanga, Davao, at Tandag sa Surigao del Sur.

 

 

Kumpiyansa ang bise presidente na sa tulong ng mga natu­rang satellite offices, madaling maipapaabot ng publiko sa kanyang tanggapan ang anumang problema o concerns upang kaagad na maaksiyunan ang mga ito.

 

 

“Sa aking unang buong araw bilang bise presidente, nagbukas po tayo ng mga satellite office sa iba’t ibang bahagi ng bansa upang matulungan ang ating mga kababayan na magkaroon ng madali at agarang access sa mga serbisyong mula sa Office of the Vice President,” ayon pa kay Duterte-Carpio, na siya ring nagsisilbing kalihim ng Department of Education (DepEd).

 

 

Una nang napaulat na maayos ang idinaos na transition sa pagitan ng kampo nina da­ting Vice President Leni Robredo at Duterte-Carpio.

 

 

Ipinauubaya naman ni Robredo sa bagong bise presidente kung ipagpapatuloy nito ang kanilang mga progra­mang napasimulan. (Daris Jose)

Other News
  • JOMARI, suportado ang pag-aartista ni ANDRE pati na ang hilig sa car racing; gusto nila ni ABBY na magka-baby

    SUPORTADO ni Konsehal Jomari Yllana ang anak nila ni Aiko Melendez na si Andre Yllana na ngayon ay isa ng contract star ng Viva Artists Agency at kasalukuyang napapanood sa rom-com series ng TV5 na Di Na Muli sa bida sina Julia Barretto, Marco Gallo at Marco Gumabao.     Kuwento nang muling tumatakbo bilang […]

  • Payroll pineke: Empleyado ng PSC buking sa P14.4M fraud

    Isang empleyado ng Philippine Sports Commission (PSC) ang inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation dahil sa pamemeke ng payroll  ng mga atleta at coaches.   Kinilala ni NBI officer-in-charge Eric B. Distor ang naaresto na si Paul Michael Padua Ignacio.   Nag-ugat ang reklamo kay Ignacio mula sa liham na ipinadala ng […]

  • Abalos, hinikayat ang mga employers at manggagawa na magpabakuna na laban sa Covid-19

    HINIKAYAT ni Metropolitan Manila Development Authority chairperson Benhur Abalos ang lahat ng mga employers at mga manggagawa na magpabakuna na laban sa COVID-19 lalo pa’t marami ng tao ng pinapayagang bumalik ng kanilang trabaho.   Sa Laging Handa public briefing, binigyang diin ni Abalos ang kahalagahan na masiguro na ang lahat ng mga empleyado ay […]