Payroll pineke: Empleyado ng PSC buking sa P14.4M fraud
- Published on July 17, 2020
- by @peoplesbalita
Isang empleyado ng Philippine Sports Commission (PSC) ang inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation dahil sa pamemeke ng payroll ng mga atleta at coaches.
Kinilala ni NBI officer-in-charge Eric B. Distor ang naaresto na si Paul Michael Padua Ignacio.
Nag-ugat ang reklamo kay Ignacio mula sa liham na ipinadala ng PSC sa NBI kung saan pinaiimbestigahan ang suspek kaugnay sa panloloko sa mga empleyado ng PSC.
Nakalagay sa liham na sumulat na rin ang PSC kay Landbank of the Philippines OIC Merlita Ibay kaugnay sa “unusual payroll transactions” na ipinasok umano ni Ignacio sa kanyang banko.
Sinabi ni Distor na sa inisyal na imbestigasyon na isinagawa ni Ibay, lumalabas na si Ignacio ay empleyado ng PSC-personnel office at naatasang mag-asikaso ng payroll para sa buwanang allowance ng mga kuwalipikadong atleta at ipinapasok ni Ignacio sa LBP.
Gayunman, isinama ni Ignacio ang mga hindi kuwalipikadong coaches at athletes sa payroll at inilagay ang sariling payroll account number bilang account number ng mga ‘di kuwalipikadong coaches at athletes na base sa inisyal na beripikasyon, nasa P14,448,254.35 ang nailusot ni Ignacio mula August 2015 hanggang May 2020.
Dahil dito, isinagawa ng NBI-Special Action Unit (NBI-SAU) ang inisyal na imbestigasyon sa PSC office at natuklasan na nitong June ay isinama ni Ignacio ang payroll ng tatlong unqualified coaches at tatlong unqualified athletes na may total na P450,150.00.
Dahil sa sapat na ebidensya na hawak ng NBI-SAU, inaresto ang suspek sa kanyang opisina sa PSC sa Maynila.
Kinumpiska rin ng NBI ang laptop at desktop unit ni Ignacio na inisyu ng PSC para sa forensic examination.
Si Ignacio ay isasalang sa inquest proceedings para sa mga kasong qualified theft, falsification of public documents, cybercrime prevention act of 2012.
-
Navotas nagkaloob ng tax refund
Nagbigay ng tax refund ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa mga nagkaroon ng karagdagang multa dahil sa huling pagbabayad matapos na dalawang beses nang magbigay ng palugit para sa pagbabayad ng lokal na buwis. Nilagdaan ni Mayor Toby Tiangco ang City Ordinance 2020-45 na nagkakaloob ng tax refund sa mga taxpayers na nagbayad ng […]
-
Diaz buhos training lang sa Malaysia
WALA pa sa isipan ni national weightlifting star Hidilyn Diaz ang pag uwi sa Pilipinas. Mas pokus siya na makapag- training upang paghandaan ang 32nd Summer Olympic Games 2021 sa Tokyo, Japan. Inabot na ng anim na buwang stranded ang 2016 Rio de Janeiro Olympics women’s weightlifting silver medalist sa Kuala Lumpur, Malaysia […]
-
NAGNEGATIBO SA COVID ANG BUONG DELEGASYON NG PBA
NAKAPAGPRAKTIS na ang Magnolia Chicken, Phoenix Super LPG, Terra Firma, Talk ‘N Text at Manila Electric Company o Meralco nito Huwebes. Samantalang Biyernes naman ang defending champion San Miguel Beer, Barangay Ginebra San Miguel, Blackwater Bossing, NorthPort Batang Pier, Rain or Shine, Alaska Milk at NLEX. Matapos ito na walang nasuring may Covd-19 […]