• May 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DICT, lilikha ng task force, complaint center kontra text scams, illegal sites

NAKATAKDANG magtatag ang Department of Information and Communications Technology (DICT) ng  task force at complaint center kontra  text scams at illegal sites.

 

 

Sa isang panayam, binigyang diin ni DICT Secretary Ivan Uy, ang pangangailangan na paigtingin ang paglansag sa  cybercrimes.

 

 

Sa katunayan, inatasan na niya ang kanilang  field personnel na agad na imbestigahan at ireport ang patuloy na operasyon ng  e-sabong o online cockfighting websites.

 

 

“Dahil sa order na pagpapatigil sa online sabong… hinahabol na natin kung anong mode ang ginagamit para maipagpatuloy ang operasyon nito… We will set-up a task force to monitor ‘yung mga illegal na gumagamit ng ating teknolohiya,” ayon kay Uy.

“Magtatatag [rin] tayo ng central complaint center kung saan pwedeng i-consolidate ang mga reklamo laban sa mga text scams,”  dagdag na pahayag nito.

 

 

Malaking tulong aniya  kung ang SIM Card registration Act ay maipasa at maging ganap na batas sa ilalim ng 19th Congress.

 

 

Matatandaang buwan ng Abril ng i-veto ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte  ang SIM Card Registration Act  na naglalayong magsagawa ng “mandatory registration” sa lahat ng  SIM cards at social media accounts.

 

 

Gayundin, sinabi ni Uy na plano nilang maglunsad ng call center na tatanggap ng mga reklamo na may kinalaman sa serbisyo ng telecommunication providers.

 

 

“Gagawa tayo ng task force o call center na tatanggap ng mga reklamo kaugnay sa serbisyo ng mga telco… Gagawa tayo ng public score card… every month maglalabas tayo ng assessment sa performance ng telcos para mapilitan sila na ayusin o bantayan ang kanilang serbisyo,”  ani Uy.

 

 

Habang may plano na palakasin ang paglansag sa cybercrimes, inamin ni Uy  na mahirap arestuhin ang mga perpetrators dahil maaari pa silang buweltahan ng pagsikil sa  freedom of expression.

 

 

“Ang internet is a free resource… Sa disenyo nito, it’s supposed to be open… It was designed to survive nuclear war as a form of communication… Kung gagawa tayo ng mga paraan para i-block ito, maaaring violation ito ng freedom of expression,” diing pahayag nito.

 

 

“Kung magkakabit tayo ng mga device na magse-censor sa internet, baka maakusahan tayo na nire-restrict ang freedom of expression,” aniya pa rin. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • Dahil first time na sumakay ng motor: JILLIAN, iningatan at inalalayan nang husto ni RURU

    MAY exciting na crossover ang character ni Jillian Ward na si Doc Analyn Santos ng ‘Abot-Kamay Na Pangarap’ sa Kapuso actionserye na Black Rider.     For the first time daw ay sasakay ng motorsiklo si Jillian.     “Nakakakaba po kasi ngayon lang ako sumakay ng motor pero siyempre andito naman po ang ating napakagaling […]

  • ‘The Flash’ Trailer Confirms That Michael Keaton’s Batman Will Have A Bigger Role

    THE latest The Flash trailer suggests that Michael Keaton’s Batman has a bigger role in the film than many initially assumed.     Ezra Miller makes his DCEU return as the Scarlet Speedster after starring in Zack Snyder’s Batman V Superman: Dawn of Justice and Justice League. Directed by Andy Muschietti, The Flash‘s first trailer was released at DC FanDome 2021, offering […]

  • KIM, pwede na talagang pumalit sa puwesto ni KRIS

    “IBA ‘to, nakakatakot ‘to! Sure na, kahit ako nagda-dubbing kami ni direk, ‘sabi ko, direk, sakit na ng heart ko, labas muna tayo!,” pasabog na rebelasyon ni Kim Chui sa ginanap na virtual mediacon ng pelikulang U-Turn na idinirek ni Der- rick Cabrido kumpara sa Ghost Bride at The Healing.   “Parang ako, hindi ko […]