• May 26, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SWAB TEST MUNA BAGO BUMALIK SA TRABAHO

Sumailalim muna sa swab testing para sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ang mga empleyado ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas bago bumalik sa kanilang trabaho.

 

 

“Experts said there is a possibility of a dramatic increase of COVID cases after the holidays. We deemed it prudent to have our employees tested for their own safety and the safety of those they come in contact with while working,” ani Mayor Toby Tiangco.

 

 

Lahat ng empleyado, kabilang ang mga opisyal ng lungsod ay naka-iskedyul para sa testing simula kahapon January 4-8.

 

 

Hindi sila kailangang dalhin sa quarantine o isolation kung hindi sila na tagged bilang close contacts ng COVID patients o hindi nagpapakita ng anumang symptoms ng sakit.

 

 

Noong June, ang mga nagtatrabaho sa Navotas city hall ay sumailalim din sa COVID-19 test.

 

 

Naglunsad din ito ng malaking community testing mula ng ipatupad  ang city-wide lockdown noong July 16.

 

 

Bukod dito, nanawagan ang lungsod sa mga kompanya at informal workers na naka-base sa Navotas na sumailalim sa libreng COVID testing ng lungsod. (Richard Mesa)

Other News
  • Golden State Warriors natuwa sa pagbabalik na sa practice ni Klay Thompson

    Nagbubunyi ngayon Golden State Warriors matapos na makita sa kanilang training camp ang pagbabalik na ni NBA superstar Klay Thompson.     Inabot din ng mahigit sa dalawang taon na hindi nakapaglaro si Thompson sa NBA.     Sumailalim kasi ito sa pagpapagamot matapos magtamo ng pagkapunit ng ACL sa kanyang kaliwang paa sa Finals […]

  • MMDA naghahanda sa pagdating ng maraming COVID-19 vaccines sa mga susunod na buwan

    Patuloy na naghahanda ang Metro Manila Development Authority (MMDA) sa paghahanda “surge” nang pagdating ng mga COVID-19 vaccines sa Metro Manila sa mga susunod na buwan.     Ayon kay MMDA chairman Benhur Abalos, ang mga biniling bakuna ng iba’t obang local government units sa National Capital Region at ng private sector ang mga inaasahang […]

  • Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, PHO-PH, naglunsad ng pinagsanib na inisyatiba laban sa banta ng HPV sa Bulacan

    LUNGSOD NG MALOLOS – Bilang bahagi ng patuloy na pangako ni Gob. Daniel R. Fernando sa kalusugan at kagalingan ng publiko, nagdaos ang Department of Health kasama ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Health Office – Public Health ng Bulacan HPV Vaccination Launching sa The Pavilion, Hiyas ng Bulacan Convention Center sa […]