• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kai Sotto hindi na isinama ng Gilas Pilipinas sa kanilang laban sa 2022 FIBA Asia Cup

HINDI  na isinama ng Gilas Pilipinas si Kai Sotto para sa 2022 FIBA Asia Cup na gaganapin sa Indonesia.

 

 

Ayon kay Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) program director Chot Reyes, na makailiang beses na silang nakipag-ugnayan sa kaniyang handler sa East West Private subalit wala silang natatanggap na anumang kasagutan.

 

 

Dahil aniya sa nalalapit na ang nabanggit na torneo ay minabuti nilang hindi na isama sa listahan ang 7 foot 3 na manlalaro.

 

 

Malaki ang paniniwala ni Reyes na posibleng abala na rin si Sotto para NBA dream nito.

 

 

Hindi naman aniya nila isinasara ang posibilidad na maisama ang 20-anyos na si Sotto.

 

 

Gaganapin ang 2022 FIBA Asia Cup sa darating na Hulyo 12 hanggang 24.

Other News
  • Makabuluhan ang selebrasyon dahil nakapiling ang mga magsasaka: SHARON, inamin na best wedding anniversary nila ito ni Sen. KIKO

    SUNOD-SUNOD ang naging Instagram post ni Megastar Sharon Cuneta yesterday, April 28 na kung saan sini-celebrate ang 26th wedding anniversary nila ni Sen. Kiko Pangilinan na tumatakbong Vice President at ka-tandem ni VP Leni Robredo na bilang President naman.     Unang post ni Mega kasama ang two wedding photos nila, “Happy 26th Wedding Anniversary […]

  • Bagong tayong 10 palapag na pampublikong elementary school sa Tondo, binuksan na

    MATAPOS ang dalawang taon na pagpapatayo sa sampung palapag na gusali ng bagong Rosauro Almario Elementery School, pormal na itong isinalin ng lokal na pamahalaang Lungsod ng Maynila sa principal at mga guro para sa muling pagbubukas nito sa Tondo.     Pinangunahan ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan ang simbolikong pagbigay ng mga susi sa […]

  • Isyu vs kandidato na ‘di sumisipot sa debate, tatalakayin sa en banc session – COMELEC

    NAKATAKDANG  talakayin ng Commission on Elections (COMELEC) sa nalalapit na en banc meeting sa Miyerkules kung paano nito tutugunan ang isyu ng hindi pagdalo ng ilang kandidato sa mga debate na kanilang inorganisa.     Sinabi ni COMELEC Chairman Saidamen Pangarungan sa mga mamamahayag pagkatapos ng unang vice presidential leg ng PiliPinas Debates 2022 kagabi, […]