• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Panibagong challenge ang pagpasok niya sa politics: ANGELU, masuwerteng nasa ticket ni Mayor VICO kaya ‘di nahirapang manalo

ANG ganda-ganda ni Angelu de Leon sa suot niyang blue terno na siya ay manumpa bilang member ng city council ng Pasig City.

 

 

Nagsimula ang term of office ni Angelu bilang newbie konsehala noong July 1.

 

 

Panibagong challenge kay Angelu ang pagpasok niya sa politics. Having seen her grow up mula sa pagiging young star sa Viva until sumikat ang tandem nila ni Bobby Andrews, naging nanay at dumaan sa maraming pagsubok, di namin maimadyin na makikita namin na papasok sa politics ang award-winning actress.

 

 

Pero siguro ang exposure niya sa mga tao bilang artista at sa experiences niya rin sa pakikihalubilo sa mga ito ang nagbukas ng isip ni Angelu na she can make a difference kung papasok siya sa politics.

 

 

Kahit na newbie candidate ay nanalo si Angelu. Masuwerte rin siguro na kasama siya sa ticket ni incumbent Pasig City Mayor Vico Sotto kaya di siya nahirapan na humingi ng suporta sa mga botante.

 

 

Bagong mundo for Angelu ang politics at hangad namin ang kanyang tagumpay. It is never late to venture into something na makatutulong sa iyo as a person and as a citizen.

 

 

***

 

 

NANALO ang ABS-CBN ng dalawang parangal sa 2022 Gold Quill Awards ng International Association of Business Communicators para sa kanilang mga programa para sa kanilang empleyado, kasama ang kauna-unahang “Kapamilya Himig Handog” employee songwriting competition.

 

 

Nagbunga ang “Kapamilya Himig Handog” ng limang bagong kanta na nakapaloob sa OPM Fresh Songwriters Series Vol. 1 EP na napapakinggan na sa iba’t ibang platform tulad ng Amazon Music, Apple Music, at Spotify. Meron na ring pinagsamang 70,000 views ang lyric videos nito sa YouTube.

 

 

Pinuri ang “Kapamilya Himig Handog” ng mga evaluator ng Gold Quill sa matagumpay nitong pagtupad sa layunin nitong mag-diskubre ng mga bagong manunulat ng kanta mula sa mga empleyado mismo ng ABS-CBN, at bigyan sila ng pagkakataong maipakinig sa mundo ang kanilang musika.

 

 

Panalo ang patimpalak na ito, na hango sa kilalang nationwide songwriting contest na “Himig Handog,” sa primerong awards program ng IABC, kung saan nagwagi rin ng ang COVID-19 awareness campaign ng ABS-CBN para sa Kapamilya employees.

 

 

Samantala, makatulong sa pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 sa organisasyon naman ang hangarin ng “Act As If You Have the Virus” campaign ng ABS-CBN, na kinilala naman sa mahusay na pagpapaalala sa mga empleyado na sumunod sa safety protocols at mag-ingat sa panahon ng pandemya.

 

 

Ginanap sa New York City, USA noong Hunyo 28 ang 2022 Gold Quill Awards, na apat na dekada nang nagbibigay ng pagkilala sa kahusayan sa komunikasyon sa buong mundo. Umabot sa 406 entries mula sa 16 na bansa ang kasali ngayong taon, kung saan 125 lamang ang tatanggap ng parangal.

 

 

Nakuha ng ABS-CBN ang dalawa sa pitong Gold Quill Awards na napanalunan ng Pilipinas ngayong taon. Bago ang mga ito, nagwagi na rin ang ABS-CBN sa Gold Quill Awards para sa Sagip Pelikula film restoration project (2019), “Wow at Saya” audience experience program (2018), at election advocacy campaign “Boto Mo, i-Patrol Mo” (2011).

 

 

Para sa iba pang updates sa ABS-CBN, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bumisita sa www.abs-cbn.com/newsroom.

 

 

***

 

 

PAGKATAPOS gumanap ng ilang supporting roles sa ilang teleserye sa ABS-CBN, sasabak na sa isang challenging role ang newbie actor na si Heindrick Sitjar.

 

 

Sa kuwento niya sa mediacon ng upcoming movie na ‘Pamilya sa Dilim’ na sinulat at ididirek ni Jay Altarejos, nag-undergo din siya ng audition.

 

 

After the audition ay binigyan si Heindrick ng chance na makilala si Allen Dizon at si direk Jay. Doon na niya nalaman ang takbo ng kwento at kung paano siya ang napili para sa role na ibinigay sa kanya.

 

 

Magkamukha raw sila ni Allen kaya siya nakuha sa movie para gumanap na young Eddie Boy.

 

 

Aminado naman si Heindrick na kinakabahan siya dahil mabigat ang role na ibinigay sa kanya. Mabibigat halos lahat ng mga eksena.

 

 

Sabi pa ng newbie actor, matagal na niyang pangarap na mag-artista at makagawa ng isang indie film. Kaya very thankful siya na he was chosen to be part of the cast of ‘Pamilya sa Dilim’.

 

 

Kasali rin siya sa cast ng ‘Lolong’ nagsimula ng ipalabas sa GMA Telebabad. Gumaganap siya sa serye bilang Ramil, isang atubaw na nagmamahal sa mga crocodile.

 

 

Ayon kay Heindrick, mabait at magaling na aktor si Ruru Madrid at pwede rin niya itong maging inspirasyon bilang isang upcoming young actor sa showbiz.

 

 

(RICKY CALDERON)

Other News
  • 19 katao patay matapos pagbabarilin sa Mexico

    NASA 19 katao ang nasawi matapos na sila ay pagbabarilin sa central Mexico.     Ayon sa State Attorney General’s Office, na agad nilang nirespondehan ng mga kapulisan ang tawag na mayroong bariliang naganap.     Pagdating ng mga kapulisan ay lumantad ang 19 na bangkay.     Karamihan sa mga biktima ay dumalo sa […]

  • Buwis na nakolekta sa ilalim ng sektor ng turismo umabot na sa P404-B

    UMABOT na sa P404 billion peso ang nakolektang revenue sa ilalim ng Kagawaran ng Turismo sa unang sampung buwan ng 2023.     Ito ay mas mataas ng 190% kumpara sa nakolektang buwis sa unang sampung buwan ng 2022 kung saan umabot lamang noon sa P138.46.     Ang mataas na koleksyon ng buwis sa […]

  • FIRST U.S. REVIEWS HAIL “THE WOMAN KING” AS OSCAR-WORTHY EPIC ADVENTURE

    FRESH from its successful premiere at the Toronto International Film Festival, the initial reviews for The Woman King are now out, and critics are unanimous in praising Viola Davis’ fierce reinvention as an action hero and the film as a rousing, action-packed crowd-pleaser.       [Watch the film’s trailer at https://youtu.be/Urnw1iqXI9E]     Garnering 100% Fresh Rating over […]