DTI, pinag-aaralan na ngayon ang ilang kahilingan ng mga manufacturer na magtaas ng presyo sa bilihin
- Published on July 6, 2022
- by @peoplesbalita
PINAG-AARALAN na ngayon ng Department of Trade and Industry (DTI) ang kahilingan ng ilang mga pangunahing bilihin na magtaas ng presyo sa mga bilihin sa bansa.
Ito ay sa gitna pa rin ng kinakaharap na mataas na presyo ng produktong petrolyo na nagbubunsod naman ng pagtaas ng bilihin sa merkado.
Pag-amin ni DTI Usec. Ruth Castelo, dahil dito ay nakakatanggap na ang kanilang kagawaran ng ilang mga kahilingan sa mga manufacturers sa bansa na magtaas pa ng presyo ng kanilang produkto.
Ngunit paglilinaw niya, ito ay kinakailangan pang sumailalim sa kanilang proseso bago mapahintulutan.
Sa bahagi naman ng mga mamimili ay sinabi ni Castelo na natural lang sa mga ito na maapektuhan ng mga pagtaas na bilihin.
Pero masasabi naman daw niya na naiintindihan ng mga consumers ito ng mga consumers at ang mahalaga ay nananatiling kontrolado at bantay sarado ng kagawaran ang halaga ng mga produktong binebenta sa merkado partikular na sa mga bilihing kabilang sa suggested retail price (SRP) bulletin ng DTI.
Samantala, tiniyak naman ng opisyal na magpapatuloy ang kanilang isinasagawang pagbabantay sa presyo ng mga bilihin at hindi ito basta-bastang maaaring galawin ng mga manufactures kahit na nagpalit na ngayon ang administrasyon.
-
Gaganap namang doktor sa ‘Abot Kamay na Pangarap’: KIM JI SOO, tuloy-tuloy ang showbiz career dito sa Pilipinas
TULUY-TULOY ang showbiz career dito sa Pilipinas ng sikat na Korean actor na si Kim Ji Soo! Matapos kasi ang guesting niya sa ‘Black Rider’ bilang assassin na si Adrian Park ay mapapanood naman siya ngayon sa ‘Abot Kamay na Pangarap’ bilang isang doktor. Una naming napanood si Kim […]
-
Lalaki na wanted sa pagpatay sa Valenzuela, nabitag sa Caloocan
ISANG lalaki na wanted sa pagpatay ang nasakote ng mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) ng Valenzuela police sa isinagawang manhunt operation sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi. Sa ulat ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr. sa Northern Police District (NPD), nakatanggap ng impormasyon ang SIS na naispatan sa Camarin, […]
-
GAL Gadot’s Video Fuels Speculation That ‘Wonder Woman’ Will Appear in ’The Flash’
WARNER Bros. and DC Films have spent the last several years working on a solo film for Ezra Miller’s Flash. The movie finally made progress when Andy Muschietti signed on to direct Christina Hodson‘s script. The Flash will deal heavily with the concept of the multiverse as it acts as a loose adaptation of Flashpoint. It is […]