• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bagitong pulis todas sa ambush sa Caloocan

HUMANDUSAY ang duguan at walang buhay na katawan ng isang bagitong pulis matapos pagbabarilin ng isang hindi kilalang gunman na sakay ng isang motorsiklo sa Caloocan City.

 

 

Ang napaulat na pagpatay kay Pat. Jefferson Valencia, 24, residente ng Gen. Luna, Zaragoza Nueva Ecija ay nangyari dakong alas-7:30 ng Lunes ng umaga at hindi kabilang sa listahan ng significant accomplishents at incident report na ini-post ng Northern Police District Public Information Office (NPD-PIO) bagama’t natanggap nila ang kopya ng report mula sa Caloocan City Police noong July 4, bandang alas-10:33 ng umaga.

 

 

Lumabas sa imbestigasyon, habang minamaneho ni Pat. Valencia ang isang silver gray na sasakyan na may plakang (NJQ-618) sa kahabaan ng Clamor Avenue, Brgy. 171, Bagumbong nang dumaan sa kaliwang bahagi ng kanyang sasakyan ang gunman na nasa 5’5 ang taas, nakasuot ng itim at pulang cap, itim na jacket, itim shorts saka pinaulanan ng bala ang driver’s seat.

 

 

Kaagad binawian ng buhay ang biktima sanhi ng mga tinamong tama ng bala sa katawan habang rumampa naman sa poste ng kuryente ang sasakyan matapos mawalan ng control.

 

 

Base sa pahayag sa pulisya ng isang saksing 56-anyos na liason officer at residente sa lugar, matapos ang pamamaril ay tumakas ang suspek patungong Bankers Village, Brgy. 171.

 

 

Narekober ng mga tauhan ng NPD Forensic Unit sa pangunguna ni P/Capt. Romar Quilang sa crime scene ang anim na basyo ng bala at isang bala ng caliber .9mm pistol.

 

 

Agad namang nagsagawa ng follow-up operation ang mga tauhan ng Caloocan Police Sub-Station 9 subalit, nabigo silang matukoy ang pagkakilanlan at maaresto ang suspek habang inaalam pa ang motibo sa pagpatay sa biktima. (Richard Mesa)

Other News
  • DFA at DOH, nagpaliwanag sa naantalang repatriation; Pinoy crew members na positibo sa virus, 59 na

    Halos 60 Pinoy crew members na ng M/V Diamond Princess sa Yokohama, Japan, ang nagpositibo sa China Coronavirus Disease (COVID)-19.   Isa rito ay gumaling na matapos ma-confine sa ospital sa Japan.   Sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Sec. Ed Meñez, naitala ang bagong limang kaso nitong weekend.   Ayon naman kay […]

  • Sobrang busy sa work kaya wala ring time: JAKE, nakikipag-date pero ‘di nagmamadaling magka-girlfriend

    SINA Jake Cuenca at Sue Ramirez ang bida sa ‘Jack and Jill Sa Diamond Hills’ na mula sa TV5, APT Entertainment at Cignal TV, napapanood sa Kapatid Network tuwing Linggo, 6 pm. Si Sue, sa tunay na buhay ay may “Jack” na, boyfriend na si Mayor Javi Benitez ng Victorias City, Negros Occidental. Si Jake ba […]

  • MAINE, halos walang pahinga sa pagti-taping ng tatlong shows; malapit nang bumalik sa ‘Eat…Bulaga!’

    SAAN kaya kumukuha ang ilan sa mga showbiz vloggers ng balita nilang wala na raw contract si Phenomenal Star Maine Mendoza sa Triple A (All Access To Artists) ng APT Entertainment.      Kaya nagtanong kami sa Triple A kung ano ang totoo at ito ang sagot nila: “Blessed lang talaga ang ating phenomenal star […]