• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DFA at DOH, nagpaliwanag sa naantalang repatriation; Pinoy crew members na positibo sa virus, 59 na

Halos 60 Pinoy crew members na ng M/V Diamond Princess sa Yokohama, Japan, ang nagpositibo sa China Coronavirus Disease (COVID)-19.

 

Isa rito ay gumaling na matapos ma-confine sa ospital sa Japan.

 

Sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Sec. Ed Meñez, naitala ang bagong limang kaso nitong weekend.

 

Ayon naman kay Department of Health (DOH) Assistant Sec. Maria Rosario Vergeire, hinihintay pa ang resulta ng isinagawang test sa mga Pinoy crew members at posibleng bukas ito ilalabas.

 

Ito anila ang dahilan kaya naipagpaliban ang repatriation sa mga kababayan imbes na noong, Linggo, sana sila iuuwi.
Inihayag ni Asec. Vergeire na itinuturing nilang kritikal ang sitwasyon sa loob ng barko dahil posibleng na-expose na sila sa virus sa patuloy na pagtatrabaho kaya hindi pa rin nila masabi ang eksaktong bilang ng maiuuwing Pinoy crew members. Depende kasi ito kung madagdagan pa ang bilang ng mga magpopositibo sa nakakamatay na virus.
Batay sa plano, mula sa Yokohama ay dadalhin ang mga kababayan sa Haneda Airport para dun sila isasakay ng chartered flight deretso ng Clark International Aiport.

 

Ang mga negatibo naman sa virus at walang sintomas ng respiratory illness ay idideretso sa Athlete’s Village sa New Clark City sa Tarlac para sa 14-day quarantine. Habang ang magpa-pakita ng sintomas ay dadalhin sa natuloy ng isolation hospital.

Other News
  • Welcome back Errol Spence — Pacquiao

    Matagumpay ang pagbabalik-aksyon ni World Boxing Council (WBC) at International Boxing Fe­deration (IBF) welterweight champion Errol Spence Jr.   Naitarak nito ang unanimous decision win laban kay Danny Garcia upang mapanatili ang kanyang dalawang hawak na korona kahapon sa AT&T Stadium sa Arlington, Texas.   At walang iba kundi si eight-division world champion Manny Pacquiao […]

  • Nilinaw na ng kanilang management: JENNYLYN, ‘di lilipat sa ABS-CBN at na-hack ang account ni DENNIS

    NAGDULOT nga ng kontrobersiya ang Kapuso actor na si Dennis Trillo sa mga Kapamilya fans.       Tungkol ito sa naging sagot niya sa katanungan ng netizens tungkol sa pagkawala ng kanyang asawa na si Jennylyn Mercado sa newest GMA Network Station ID at malakas daw ang tsika na lilipat sa ABS-CBN.     […]

  • DINGDONG, aminadong miss na muling sumabak sa lock-in taping dahil almost a year nang walang bagong project

    MISS na raw ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, na muling sumabak sa lock-in taping para sa bagong project na gagawin niya sa GMA Network.      Kung matatandaan si Dingdong at ang cast ng Descendants of the Sun ang unang sumabak sa lock-in taping noong bago pa lamang umiral ang community quarantine dahil sa […]