• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Marcos, tinanggihan ang panukalang bawasan ang gov’t workforce para maibaba ang paggastos

TINANGGIHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang suhestiyon na bawasan ang bilang ng mga manggagawa sa mga ahensiya ng gobyerno para makatipid at makaipon ng pondo  habang ang Pilipinas ay patuloy na bumabawi at bumabangon mula sa COVID-19 pandemic.

 

 

Sa  Facebook post, sinabi ni Social Welfare Secretary Erwin Tulfo  na ginawa ni Pangulong Marcos ang pagtanggi matapos na mapag-usapan ang ideya sa isinagawang unang Cabinet meeting sa Malakanyang.

 

 

“We don’t want anyone out of ..a job at this point,” ayon kay Tulfo kung saan kinu-quote si Pangulong Marcos.

 

 

“Ito sagot ng Pangulo matapos iprisinta ang ideya sa kanya na magbawas siguro ng tao para makatipid ang gobyerno sa ilalim ng pandemic recovery,” ang pahayag ni Tulfo.

 

 

Nauna rito, nilagdaan ni Executive Secretary Atty. Victor D. Rodriguez ang isang Memorandum Circular kung saan nakasaad dito ang mga posisyon na kinokonsiderang bakante simula noong tanghali ng  Hunyo 30, o nang magsimula ng umupo sa kanyang tanggapan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

 

 

Ang mga ito ayon sa MC 1 ay “all presidential appointees whose appointments are classified as co-terminous; all presidential appointees occupying positions created in excess of the authorized staffing pattern; all non-career executive service officials occupying career executive service positions; and contractual and/or casual employees.”

 

 

Ang dokumento ay inisyu noong Hunyo 30 subalit  ipinalabas sa media kamakailan. (Daris Jose)

Other News
  • Ads May 30, 2023

  • Sec. Roque, pinalagan ang patutsada ni Sen. Gordon

    PINALAGAN at pinabulaanan ni Presidential spokesperson Harry Roque na nakikialam at nakikisawsaw siya sa sigalot sa pagitan ng Philippine Red Cross’ (PRC) at Philippine Health In- surance Corporation (PhilHealth) kaugnay sa unpaid COVID-19 tests.   Ayon kay Sec. Roque, ang kanyang mga pahayag sa usapin ay bilang tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.   “Hindi […]

  • Warriors Andrew Wiggins sa ‘di pagpabakuna: ‘It’s my problem not yours’

    Agaw atensiyon ngayon sa mga mamamahayag si Golden State Warriors swingman Andrew Wiggins dahil sa pagmamatigas pa rin nito na hindi magpabakuna laban sa COVID-19.     Natanong sa media day si Wiggins kung paano na lamang na maging ang kanyang sweldo ay baka maapektuhan sa hindi nito pagpa-vaccine.     Sagot naman ni Wiggins, […]