Suplay ng pagkain sa bansa, kaya pang tumagal ng tatlong buwan- Malakanyang
- Published on November 21, 2020
- by @peoplesbalita
SINIGURO ng Malakanyang na aabot pa ng tatlong buwan ang food suppy ng bansa hanggang sa gitna ng naging pinsala ng mga nagdaang bagyo na sumira sa maraming sinasakang lupain.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na nasa 90 araw ang kayang itagal pa ng supply na pagkain as of November 12.
Ayon kay Sec. Roque, lalabas na aabot pa ng 88 araw ang food stock ng bansa at kaya pang tumagal ng halos tatlong buwan pa.
Mabuti na lang din ani Sec. Roque ay nakapag-ani na kahit paano ang mga magsasaka bago pa humagupit ang bagyo.
“Sapat-sapat naman po ang ating pagkain. Sa ating bigas, mayroon pa po tayong 90 days supply, at iyong nawala po sa atin ay six days lamang. Kahit papaano pampalubag loob po noong dumating po iyong mga malalakas na bagyo, tayo po ay naka-ani na so hindi po masyadong naapektuhan iyong ating pag-ani bagama’t ngayon ay kinakailangan magtanim uli ang ating mga magsasaka,” anito.
Kaya nga, kahit may nakaamba aniya pang mga bagyo na dumating base na rin sa forecast ng PAG- ASA ay paniguradong may aasahang pagkain para sa mga Pilipino ng hanggang sa unang quarter ng susunod na taon.
-
Kahit wala pang sinasabi ang management ng ABS-CBN: Action serye ni COCO, balitang tatapusin na at papalitan ng ‘Darna’ ni JANE
MULING nagwagi sa isang festival ang bagong movie ni Direk Louie Ignacio titled Broken Blooms mula sa Bentria Productions. Wagi ito as Best Narrative Feature sa Mokkho International Film Festival 2022 sa India. Kamakailan lamang ay nagwagi ito ng Gold Remi Award at the Houston International Film Festival and Recognition from […]
-
Hijab, taqiyah pinapayagan sa PhilSys Step 2 process
MAAARI nang tumuloy ang mga Muslim Filipinos sa Step 2 biometrics capturing process ng Philippine Identification System (PhilSys) kahit hindi alisin ang kanilang traditional head coverings. Ang Hijab ay isang belo o takip ng ulo na isinusuot ng maraming babaeng Muslim sa buong mundo bilang isang gawa ng kahinhinan, at isang relihiyosong kasanayan […]
-
Ads October 18, 2021