• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

BSP nilinaw na wala silang bagong coin series na inilabas

NILINAW ngayon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na wala silang inilalabas na bagong salapi o coin series sa bansa.

 

 

Ginawa ng BSP ang paglilinaw kasunod na rin ng kumalat na imahe ng mga coins sa social media.

 

 

Ayon sa BSP ang naturang mga larawan ay bahagi ng “Ang Bagong Lipunan” coin series na kanilang inisyu noon pang taong 1975.

 

 

Ang nasabing mga coin ay deklarado nang demonetized noon namang taong 1998. Ang demonetized coins ay hindi na tinatanggap bilang bayad sa mga goods and services.

 

 

Ayon pa sa central bank ang New Generation Currency (NGC) ang pinaka-latest legal tender coin series na kanilang inilabas.

 

 

Ang mga ito ay 10-Piso, 5-Piso, 1-Piso, 25-Sentimo, 5-Sentimo, at isang-Sentimo na unang inilunsad noong March 2018, habang ang 20-Piso at ang enhanced 5-Piso ay inilabas noong December 2019.

 

 

Binigyang diin pa ng BSP na ang New Generation Currency coins ay mahirap na mapeke o counterfeit dahil sa mas mahirap gayahin ang mga security features nito.

Other News
  • MARCO, matagal ng fan at ‘di akalain na natupad agad ang dream na makatrabaho si SHARON

    HINDI pa rin makapaniwala si Marco na nakagawa siya ng pelikula with Sharon Cuneta at siya pa ang leading man ng Megastar.     Matagal na raw siyang fan ni Sharon at dream come true para sa kanya na makatrabaho ang singer-actress. Laking tuwa niya nang sabihin sa kanya ng Viva na makakasama niya sa […]

  • SIMBAHAN UMAPELA NA PABAKUNAHAN ANG 5-11 TAON GULANG

    HINIMOK ng simbahan ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak na edad 5 hanggang 11-taong gulang bilang proteksyon laban sa COVID-19.     Ayon kay Pagadian Bishop Ronald Lunas, chairman ng CBCP-Episcopal Committee on Basic Ecclesial Communities, bagama’t muling bumababa ang kaso ng COVID-19 ay marami pa ring komunidad ang may mataas na […]

  • PDu30, inaprubahan ang pagpapalawig ng 2 pang linggo ng travel ban laban sa UK

    INAPRUBAHAN noong Disyembre 26 ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang rekumendasyon ni Presidential Spokesperson Harry Roque, Jr. na palawigin ng dalawa pang linggo ang travel ban laban sa United Kingdom (UK) pagkatapos ng Disyembre 31, 2020. Inaprubahan din ng Pangulo ang rekumendasyon ng Department of Health (DOH) para sa “strict mandatory 14-day quarantine” para sa […]