VM SERVO, SUPORTADO PROYEKTO AT PROGRAMA NI LACUNA
- Published on July 8, 2022
- by @peoplesbalita
NANGAKO si Manila Vice Mayor John Marvin “Yul Servo” Nieto na susuportahan niya ang lahat ng mga pangunahing programa ni Mayor Honey Lacuna-Pangan. Kabilang sa mga nasabing proyekto ay ang pagpapalago ng ekonomiya, pagpapaunlad ng buhay, kalusugan, kalinisan, kaayusan at katahimikan.
Upang mas maisakatuparan ang mga programa at proyekto ng lungsod, hiniling ng bise alkalde sa 38 Konsehal na makiisa sa pagsuporta sa layunin ng kanilang alkalde upang maipagpatuloy ang nasimulan ni dating Manila Mayor Isko Moreno Domagoso .
“Atin ding suportahan ang mga programang isusulong ng ating Mahal na Mayor Honey Lacuna. Mga programang pang-ekonomiya, pangkalusugan, pangkabuhayan, pangkalinisan at pangkatahimikan. Dalhin natin ang ating mahal na lungsod sa liwanag ng kasaganahan at dalhin natin ang bawat Manilenyo sa maayos na daan ng kaginhawahan at kapanatagan,” pahayag ng bise alkalde.
Kasabay nito, hinimok din ni Servo ang mga kasama sa Konseho na maghain ng panibagong “COC” – pero hindi ito ang “Certificate of Candidacy” kundi ang kahulugan nito ay “Compassion, Obligation at Commitment”.
Aniya, gamitin ang “COC” bilang pamantayan ng kanilang paglilingkod sa mamamayan ng Maynila, pangaraping magkaroon ng maayos na buhay ang bawat Manileño at maitaas ang antas ng kanilang pamumuhay sa pamamagitan ng kanilang isinusulong na ordinansa.
Tulad aniya ng ginawa ng nakaraang administrasyon, ito ang naging sandalan ng kapanatagan ng bawat Manileño kaya nararapat lamang na maipagpatuloy ang lahat ng ito upang maiahon nila ang maraming mamamayan sa pagkakalugmok dulot ng nakalipas na pandemya.
“Kaya to all councilors, you are obligated to submit your priority ordinance that will be more beneficial to every Manileños,” sabi pa ng bise alkalde.
Isa rin pangako ng bise alkalde na ipagpapatuloy ang kanyang adhikain na makapag-aral ang bawat batang Maynila at maipagpatuloy ang pagkakaloob ng buwanang allowance na P1,000 sa bawat estudyante ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) at Universidad de Manila (UdM), pati na ang P500 allowance sa mga estudyante ng K-12 sa mga pampublikong paaralan sa lungsod. (Gene Adsuara)
-
Roque: walang pruweba na mag-uugnay kay pdu30 sa Davao Death Squad
WALANG pruweba na mag-uugnay kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa vigilante killings sa kanyang bayan sa pangunguna ng Davao Death Squad (DDS). Nauna na kasing sinabi ng International Criminal Court’s (ICC) pre-trial chamber na nakikita nito ang ugnayan sa pagitan ng patayan sa Davao City bago ang 2016 at ang nationwide war laban sa illegal […]
-
Villanueva sa DOLE: 700 empleyado ng Honda, tulungan
Nanawagan si Senador Joel Villanueva sa Department of Labor and Employment na tulungan ang 700 trabahador ng Honda dahil sa napipintong pagsasara ng kanilang planta sa Sta. Rosa Laguna. Ayon kay Villanueva, chairman ng Senate Committee on Labor, Employment and Human Resource Development, naka-kabahala aniya ang pagsasara ng Honda plant dahil bukod sa trabahong […]
-
Dahil nakapulupot ang pusod sa leeg: YASMIEN, na-CS para maisilang ang second baby nila ni REY
SUMAILALIM sa cesarean section ang Kapuso actress na si Yasmien Kurdi para maisilang ang ikalawa nilang anak ni Rey Soldevilla. Sa Instagram, ibinahagi ni Yasmien ang ilang larawan sa ginawang procedure sa kanyang panganganak. “After series of tests nalaman namin na manipis pa din pala ang CS scar ko even after […]