• September 27, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Villanueva sa DOLE: 700 empleyado ng Honda, tulungan

Nanawagan si Senador Joel Villanueva sa Department of Labor and Employment na tulungan ang 700 trabahador ng Honda dahil sa napipintong pagsasara ng kanilang planta sa Sta. Rosa Laguna.

 

Ayon kay Villanueva, chairman ng Senate Committee on Labor, Employment and Human Resource Development, naka-kabahala aniya ang pagsasara ng Honda plant dahil bukod sa trabahong mawawala, ang mga pamilya rin ng mga ito ang maaapektuhan.

 

“Nakakabahala po ang nakaambang pagkawala ng mga trabahong nandito na katulad ng 700 na trabahong apektado sa pagsara ng Honda car manufacturing facility sa Sta Rosa, Laguna matapos ang halos tatlong dekada na operasyon,” sabi ni Villanueva.

 

“Maliban sa 700 na trabahong mawawala, 700 na pamilya rin ang maapektuhan nito,” dagdag pa nito.
Sabi ni Villanueva, dapat tiyakin ng DOLE na matutulungan nila ang mga manggagawa ng Honda na makahanap ng malilipatang trabaho sa oras na huminto na nga ang operasyon nito.

 

“Tinatawagan po natin ang Department of Labor and Employment (DOLE) at ang Department of Trade and Industry (DTI) na siguraduhing mapanatili ang mga trabahong andito na at kaagad na tugunan ang mga pangangailangan ng mga apektadong manggagawa at pamilya nila,” sabi nito.

 

Bagama’t hindi pa malaman ang ugat ng planong pagsasara ng planta, sinabi ni Villanueva na nakahanda sila sa Senado na imbestigahan ito.

 

“Hindi pa po natin matukoy ang puno’t dulo ng isyu na ito dahil maaaring may iba pang malalim na dahilan dito. Nakahanda ang ating Committee on Labor para maglungsad ng pagdinig tungkol dito kung kinakailangan,” ayon pa sa senador.

 

Sa website na visor.ph, Marso 26 nakatakdang huminto ang produksyon sa planta.

Other News
  • ‘Deleter’, big winner sa Gabi ng Parangal ng ‘MMFF 2022’: NADINE at IAN, waging best actress at best actor na, stars of the night pa

    BIG winner ng horror-suspense movie na “Deleter” ng Viva Films sa Gabi ng Parangal ng Metro Manila Film Festival 2022 na ginanap sa New Frontier Theater sa Cubao, Quezon City, noong December 27.     Nagsilbing hosts sina Giselle Sanchez, Cindy Miranda at BB Gandanghari.     Si Nadine Lustre ang itinanghal na Best Actress […]

  • SC, tuluyan nang ibinasura ang Anti-Terror Act of 2020

    TULUYAN  nang ibinasura ng Korte Suprema ang mga petisyon na humihiling na ibasura ang Anti Terrorism Act of 2020.     Sa En Banc deliberation dito sa Baguio City ng mga mahistrado ng SupremeCourt (SC), binasura ang mga inihaing motions for reconsideration ng mga petitioner.     Ibinase ng SC En Banc ang desisyon sa […]

  • 3 dalaga nalambat sa P1.1 milyon shabu sa Navotas

    UMABOT sa mahigit P1.1 milyon halaga ng shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa tatlong dalaga na umano’y sangkot sa illegal na droga matapos malambat sa buy bust operation sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.     Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang mga naarestong suspek na sina Kyla Marie Legaspi, […]