Mekaniko kalaboso sa motornaper
- Published on October 7, 2020
- by @peoplesbalita
ARESTADO ang isang mekaniko matapos makumpiska sa kanya ang tatlong nakaw na motorsiklo sa isinagawang Simultaneous Enhanced Managing Police Operation (SEMPO) ng mga pulis sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Northern Police District (NPD) Director P/ Brig. Gen. Ronaldo Ylagan ang naarestong suspek na si Neilmar Sinepete, 24 ng Phase 7-B, Block 1, Lot 18, Package 3, Brgy. 176, Bagong Silang.
Ayon kay NPD District Anti- Carnapping Unit (DACU) chief P/ Maj. Jessie Misal, unang i- nireport sa kanila ng mga biktimang si Rose Marie Busa, 23, at Jeno Ponce, 28, fast food crew, kasama ang kanilang mga saksi ang pagkawala ng kanilang mga motorsiklo habang nakaparada sa labas ng kanilang bahay.
Nakipag-ugnayan ang mga operatiba ng NPD-DACU sa Caloocan Police Sub-Station 9 at Sub-Station 13 at sa isinagawang imbestigasyon ay nakilala ang suspek kaya’t kaagad itong pinuntahan ng mga pulis sa kanyang bahay.
Pagdating sa naturang lugar, namataan ni Busa ang kanyang motorsiklo subalit nang mapansin ng suspek ang presensya ng mga operatiba ay agad itong tumakas papasok sa kanilang compound na naging dahilan upang magkaroon ng hot-pursuit operation hanggang sa makorner si Sinepete.
Narekober ng mga pulis ang tatlong nakaw na motorsiklo kabilang ang motorsiklo ni Busa at Ponce habang inaalam pa ang pagkakilanlan ng dalawang kasabwat umano ng suspek.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 10883 (New Anti- Carnapping Law of 2016). (Richard Mesa)
-
Hirit ng transport groups, pinagpupulungan na- Roque
KASALUKUYAN nang pinagpupulungan ng pamahalaan ang panawagan ng transport groups na pagsuspinde sa excise tax, vat sa fuel products kasunod ng 8 sunud-sunod na linggo ng oil price hike? Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, “as we speak po, pinagpupulungan na itong bagay na ito noh? Kinukunsidera po ang parehong proposals. So, government is […]
-
PSG, walang natatanggap na direktang banta o security threat sa unang SONA ni PBBM
WALANG natatanggap ang Presidential Security Group (PSG) na banta sa seguridad para sa unang State Of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. “None at the moment” ang tugon ni senior military assistant at Presidential Security Group (PSG) commander Col. Ramon Zagala sa tanong kung may nakikita silang […]
-
PBBM, nagdeklara ng State of Calamity sa mga ‘Paeng’-hit regions
INILAGAY ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Region IV-A (Calabarzon), Bicol Region, Western Visayas, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa ilalim ng state of calamity sa loob ng anim na buwan. Ito’y bunsod na rin ng matinding pagkawasak ng mga nasabing lugar dala ng Severe Tropical Storm “Paeng.” Nauna rito, nagpalabas […]