• February 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 7th, 2020

Ads October 7, 2020

Posted on: October 7th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Mag-iina arestado sa P4-milyong shabu

Posted on: October 7th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

ISANG 65-anyos na lola at kanyang anak na lalaki ang arestado matapos makumpiskahan ng nasa P4 milyon halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi.

 

Kinilala ni Caloocan police chief Col. Dario Menor ang naarestong mga suspek na si Taya Sulong, 65, at Abdul Sulong, 33, kapwa ng Block 1, Lot 9, Villa Enrico Heights, Brgy. 171.

 

Sa ulat ni Col. Menor kay Northern Police District (NPD) Director P/Brig. Gen. Ronaldo Ylagan, alas-8:20 ng gabi nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/ Capt. Deo Cabildo at P/Capt. Dennis Udtuhan ng SS7 ang buy-bust operation kontra sa mga suspek sa kanilang bahay.

 

Nagawang makapagtransaksyon sa mga suspek ng isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer ng P70,000 halaga ng shabu.

 

Matapos tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng isang medium knot-tied plastic bag ng shabu ay agad ianresto ng mga operatiba ang mag-ina.

 

Nakumpiska sa mag-ina ang nasa 600 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P4,080,000.00, digital weighing scale, at isang P1,000 bill na nakabugkos sa 69 pcs P1,000 fake/boodles bills na ginamit bilang buy-bust money.

 

Kaugnay nito, pinuri ni Gen. Ylagan ang mga operatiba ng Caloocan Police SDEU dahil sa kanilang matagumpay na pagkakaaresto sa mga suspek na malaki aniya itong kabawasan para hindi kumalat ang illegal na droga sa lungsod. (Richard Mesa)

FIBA saksi sa PBA bubble

Posted on: October 7th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NASA Mies, Switzerland ang International Basketball Federation o FIBA headquarters, habang ang FIBA Asia ay nasa Beirut, Lebanon.

 

Pero nagmamatyag sila sa Clark Freeport Economic Zone sa Angeles City, Pampanga para masusing saksihan ang eksperimento ng PBA sa bubble sa pagpapatuloy sa 45 th Philippine Cup eliminations 2020 sa darating na Linggo, Oktubre 11.

 

Naghahanap ang world’s governing-continental sport body ng lugar na puwedeng pagtuluyan ng Asia Cup qualifying tournament, nirerekisa kung papasa ang Clark at Angeles University Foundation gym.

 

“Nagmamasid ‘yung FIBA,” bigkas nitong isang araw ni PBA commissioner Wilfrido Marcial. “May nagsabi sa akin, hinihintay, tinitingnan ng FIBA. Kapag naging successful ang Clark bubble, baka p’wedeng madala rito ang Asia Cup.”

 

Sinuspinde ang mga laro sa Asia Cup qualifying dahil sa coronavirus disease 2019 nitong Marso. May limang laro pa ang Gilas Pilipinas o national men’s basketball team, kasama sa Group A ng Indonesia, Korea at Thailand.

 

Isang bentahe ng Clark ang international airport doon na malapit din sa hotel at playing venue.

 

“Ang alam ko, isang may gusto (sa Clark) Thailand,” hirit ni Marcial. “Maganda doon, doon ka na lalapag. Wala ka ng ibang pupuntahan. ‘Yung international airport na lalapagan, tapos nandoon ka na. walang ganu’n ‘yung iba.”

 

Ready naman ang Bases Conversion and Development Authority at ang Clark Development Corporation sakaling mag-request ang FIBA na pagtuluyan ng qualifying window games.

 

“Makakaasa po kayo na handa po tayo rito, at sisiguruhin natin na kakayanin nating i-host kung gugustuhin po ng FIBA,” namutawi naman kay BCDA president Vince Dizon.

 

Abangan po natin ang susunod na kabanata. (REC)

Juico pinamamadali ang Phisgoc report

Posted on: October 7th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

ISANG mosyon ang isinumite ni Philippine Athletics Track and Field Field Association (PATAFA) president Philip Ella Juico na humihimok sa Phil- ippine Southeast Asian Games Organizing Committee o PHISGOC na ipasa agad ang audited financial report sa pagdaraos ng bansa ng 30th South- east Asian Games noong Disyembre 2019.

 

Ginawa ng opisyal ang hakbang niya sa huling Philippine Olympic Committee (POC) virtual general assembly meeting.

 

Aniya, dapat mabatid ng lahat mula sa PHISGOC bago matapos ang Oktubre 30 kung saan napunta ang mga pondo at donasyon, mga ginasta, liabilities at kinita ng 11- nation biennial sportsfest na pinamayagpagan ng ‘Pinas.

 

Nagwarning rin si Juico na kasama ang POC sa pag-o-organize ng SEA Games kaya madadamay ito sa mga posibleng kontrobersiya kung papayagang delay maantala PHISGOC liquidation report. (REC)

Saso kumita ng P564K

Posted on: October 7th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

BITIN ang paghahabol ni Yuka Saso na naka- two- under -70 pa-total 286 at humilera sa walong magkakatabla para sa ika-14 na puwesto na may ¥1,226,250 (P564K) bawat isa sa pagwawakas nitong Linggo ng 53rd Japan Women’s Open Golf Cham- pionship 2020 sa The Classic Golf Club sa Miyawaka City, Fukuoka Prefecture na kinopo ni ni Erika Hara ng sa apat na palong bentahe.

 

Ikalawang sunod na mintis ito ng 19-anyos na Fil-Japanese at pangunahing professional golfer ng Pilipinas sa hangad na makakopo ng major title sa 12th Ladies Professional Golf Association (LPGA) Tour of Japan 2020.Humulagpos din sa kanya din ang Player of the Year top ranking tapos ng pitong torneo laban sa karibal na si Sakura Koiwai na kumuha ng 240 points sa pagsegunda sa komeptisyon, pa-784 total laban sa 739.45 ni Saso.

 

May 68-272 si Hara para magkamit ng ¥22,500,000 (P10.3M) hambing sa 68-276 ni Koiwai na may (P5.6M). Umakyat din si Hara sa tersera sa POY race sa 540 markers. Dalawa pang Haponesa ang pumangatlo sa torneo sa identical 280s. (REC)

Pondo para sa Manila Bay ‘white sand’ project hindi maaaring i-realign para sa pagtugon sa COVID-19 –Malakanyang

Posted on: October 7th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

HINDI maaaring i-realign ng pamahalaan ang P389-milyong pondo na nakalaan para sa Manila Bay “white sand” project para sa pagtugon sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

 

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque na nasimulan na ang Manila Bay white sand project kaya kinakailangan nang tapusin ito sa kabila ng kritisismo mula sa University of the Philippines Marine Science Institute.

 

Sinabi kasi ng nasabing unibersidad na “expensive project” ang rehabilitasyon ng Manila Bay kung saan hindi naman daw marereSolba ang environmental problems dito (Manila Bay) kahit pa binigyan ng kapangyarihan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa ilalim ng Bayanihan 2.

 

Giit ni Sec. Roque na tanging ang mga pondo para sa mga proyektong hindi pa naiimple- menta ang maaaring i-divert sa COVID-19 response.

 

“Nasimulan na po iyan eh, so kinakailangan tapusin na po iyan,” ayon kay Sec. Roque.

 

Binigyang diin ng kalihim, bahagi lamang ang white sand project sa buong programa ng pamahalaan para sa rehabilitasyon ng Manila Bay na ipinanukala noong nakalipas na dalawang taon at nabigyan ng pondo sa 2019 national budget.

 

“Iyong budget po kasi diyan, hindi lang siya budget actually for the beach nourishment, it’s actually for the entire program of government in rehabilitating Manila Bay. And as I said, itong project na ito was proposed two years ago, included in last year’s budget and only being imple- mented,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)

Bishop Blue nagwagi

Posted on: October 7th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

PINAGALANDAKAN ni Bishop Blue sa paghinete ni RM Garcia ang bilis sa paspasan upang mapanalunan ang Three-Year-Old & Above Maiden Race nitong Linggo sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

 

Nakiramdam muna ang class A rider at si Bishop Blue sa bandang likuran habang tangan ni Beli Bell ang trangko. Kasabay ni top favorite Bishop Blue si Doctor Amorette sa paghabol sa lamang ng limang kabayo ni Beli Bell papasok ng far turn.

 

Pero pagdating ng rektahan parang sibat na nilampasan ng winning horse si Beli Bell at namayagpag nang may apat na kabayo ang distansya.

 

“Mahusay pala ang Bishop Blue, future champion yan,” bigkas ni Carlos Fermin na isang karerista.

 

Sinubi ni Bishop Blue ang added prize P10,000, na umentra ng meta sa tiyempong 1 minuto at 32 segundo sa 1,400-metrong karerahan.

 

Pangalawa si Beli Bell, pangatlo si Doctor Amorette at pang-apat si Major Ridge. (REC)

“Agila” Natividad bagong OMB chair

Posted on: October 7th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

KINUMPIRMA ng Malakanyang ang pagkakatalaga kay dating Malolos City Mayor Atty. Christian “Agila” Natividad bilang miyembro at magiging kinatawan ng academe, at bagong Chairperson ng Optical Media Board (OMB).

 

Tatlong taon ang magiging termino ni Natividad.

 

Umaasa si Presidential spokesperson Harry Roque na ang pagkakatalaga kay Natividad ang magiging daan para maging matagumpay ang OMB lalo na sa paglaban sa optical media piracy at pagprotekta sa intellectual property rights sa digital form.

 

“We wish Mr. Natividad good luck in his new assignment,” ayon kay Sec. Roque.

 

Sa ulat, mismong si Department of Energy (DOE) Secretary Alfonso Cusi ang pormal na nagpanumpa sa tungkulin kay “Agila”. Ang OMB na nasa ilalim ng Office of the President ay siyang nagreregulate ng pag-manufacture at importasyon ng mga optical media products.

 

Kabilang sa mga humawak ng naturang puwesto ay sina Edu Manzano, Ronnie Ricketts at Sen. Bong Revilla.

 

Si Natividad ay nakilala bilang hall of famer awardee bilang Most Outstanding City Mayor at consistent awardee sa Seal of Good Housekeeping at sa pagpapanatili ng peace and order.

Djokovic pasok na sa quarterfinals ng French Open

Posted on: October 7th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

PASOK na sa quarterfinals ng French Open si Novak Djokovic.

 

Ito ay matapos talunin si Karen Khachanov sa score na 6- 4, 6-3, 6-3.

 

Ang world number 16 na si Khachanov ay siyang tumalo kay Djokovic noong 2018 Paris Masters.

 

Susunod na makakaharap nito ang sinumang magwagi sa pagitan nina Pablo Carreno Busta o Daniel Altmaier.

MARIAH CAREY, wala ng tinago sa tell-all book lalo na tungkol sa pamilya

Posted on: October 7th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

INSTANT best-seller ang sinulat na memoir ng singer-songwriter na si Mariah Carey na The Meaning of Mariah Carey.

 

The Diva’s tell-all book was re- leased last September 29 at wala siyang tinago, lalo na tungkol sa kanyang pamilya na bihira niyang ikuwento noon.

 

“It took me a lifetime to have the courage and the clarity to write my memoir. Though there have been countless stories about me throughout my career and very public per- sonal life, it’s been impossible to communicate the complexities and depth of my experience in any single maga- zine article or a ten-minute television interview. This book is composed of my memories and my mishaps, my struggles, my survival, and my songs. Unfiltered,” sey ni Mariah.

 

Devoted ang isang chapter tungkol sa pagiging isang biracial child at sa parents niya nag-divorce noong bata pa siya. Lumaki si Mariah kasama ang dalawang mas nakakatandang kapatid na problema ang dala sa kanilang ina. Traumatic nga raw ang childhood ni Mariah.

 

May isang insidente raw na tinulak ng kanyang brother na si Morgan ang kanilang ina sa pader dahil pinagbawalan itong gamitin ang kotse. Ang kapatid naman niyang babae na si Allison ay pilit siyang pinapainom ng Valium para ibugaw sa mga lalake para pagkakitaan. (Ruel J. Mendoza)