• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tig-5K na ayuda bigay sa 674 students sa Maynila

NASA 674 estudyante sa Maynila ang pinagkalooban ng tig-P5,000 tulong pinansyal sa pangunguna ni Manila City Mayor Honey Lacuna-Pangan.

 

 

Pawang mga estud­yante mula sa mahihirap na pamilya ang inabutan ng tulong pinansyal ni Lacuna at ng mga opisyal ng Manila Social Welfare and Development (MSWD) sa San Andres Sports Complex.

 

 

Nabatid na umaabot sa kabuuang P3,370,000 ang naipamahagi ni Lacuna sa may 674 benepisyaryo na nagmula sa iba’t ibang distrito ng lungsod, sa ilalim ng kanilang Educational Assistance Program (EAP).

 

 

Ang EAP ay isang locally-funded regular program sa ilalim ng MSWD, na ang layunin ay magkaloob ng tig-P5,000 financial assistance para sa mga edukasyunal na pangangailangan ng mag-aaral na nabibilang sa marginalized families sa Maynila.

 

 

Ayon kay Lacuna, kabilang sa mga recipients na tumanggap ng ayuda ay 388 beneficiaries mula sa District 1 na umabot sa P1,940,000; District 4 na may 150 be­neficiaries na nabigyan ng kabuuang P750,000; at District 6 na may 136 beneficiaries o kabuuang P680,000 ayuda.

 

 

Samantala, pinaalalahan din ni Lacuna ang mga Manilenyo na mahigpit pa ring ipinatutupad ang mandatoryong pagsusuot ng face mask sa mga pampublikong lugar makaraang mapansin na marami na ang hindi sumusunod dito.

 

 

Sinabi ni Lacuna na ma­rami nang nasisita na taga-Maynila na lumalabas ng bahay na wala nang suot na face mask. Ipinaalala niya na mayroon pa ring COVID-19 at umiiral pa rin ang Ordinance No. 8627 (Mandatory Use of Face mask in Public places).

 

 

Sa mga lalabag sa nasabing ordinansa ay pagmumultahin ng P1,000 para sa first offense, P2,000 para sa second offense, at P5,000 o isang buwan na pagkakabilanggo o parehong parusa para sa ikatlo at magkakasunod na paglabag. (Gene Adsuara)

Other News
  • Galvez, umapela sa publiko na pagkatiwalaan ang bakuna na bibilhin ng Pilipinas

    UMAPELA si Vaccine czar Carlito Galvez Jr. sa publiko na pagkatiwalaan ang COVID-19 vaccines dahil ang bibilhin naman ng Pilipinas na bakuna ay ligtas at epektibo.   “Magtiwala po tayo na ang mga bakunang darating ay daraan sa stringent evaluation ng vaccine experts panel at ng FDA (Food and Drug Administration). Lahat po ng vaccine […]

  • Nag-react si Oyo sa photo na pinost: KRISTINE, buntis uli sa ika-anim na anak at parang laging first time

    SA Instagram post ng aktres na si Kristine Hermosa-Sotto, in-announce nito na ipinagbubuntis niya ang ika-anim na baby nila ni Oyo Sotto. Makikita sa post ang solo photo ni Oyo na kuha sa shooting na may hawak na baril at ang ultrasound image ng kanilang baby.   Kahit na pang-anim na niya itong pagbubuntis, pero parang […]

  • Venue ng opening ceremony ng Paris Olympics pinag-aaralang ilipat

    Pinag-aaralan ngayon ni French President Emmanuel Macron ang paglilipat ng lugar ng opening ceremony ng Paris Olympcs.       Sinabi nito na mula sa River Seine ay maaring gawin na lamang ito sa Stade de France o Stadium gaya ng ordinaryong ceremony.       Inoobserbahan pa kasi ng mga otoridad ang lugar kung […]