Galvez, umapela sa publiko na pagkatiwalaan ang bakuna na bibilhin ng Pilipinas
- Published on January 28, 2021
- by @peoplesbalita
UMAPELA si Vaccine czar Carlito Galvez Jr. sa publiko na pagkatiwalaan ang COVID-19 vaccines dahil ang bibilhin naman ng Pilipinas na bakuna ay ligtas at epektibo.
“Magtiwala po tayo na ang mga bakunang darating ay daraan sa stringent evaluation ng vaccine experts panel at ng FDA (Food and Drug Administration). Lahat po ng vaccine na makakapasa sa FDA, ina-assure po namin na safe ‘yan,” ayon kay Galvez.
“Mga 66 million na po ang nabakanuhan [sa buong mundo], 35 million po [gamit ang] Pfizer-BioNTech. Sa Chinese vaccine po na meron tayong agam-agam, 31 million naman na po ang nakatanggap ng Chinese vaccine, kasama na ang Sinovac na six million [ang tumanggap]. Maganda po ang resulta, safe po at ‘yung adverse effects ay manageable,” dagdag na pahayag nito.
Patuloy kasi ang pagdami ng mga filipino na ngdadalawang-isip na magpabakuna matapos na magpakita ang human trials ng Sinovac sa ibang bansa ng “inconsistent efficacy rates.”
Sa Turkey, nakapagtala ito ng 91% efficacy rate habang 65% at 50% efficacy rate naman sa mga bansang Indonesia at Brazil.
Gayunpaman, nagpalabas lamang ang FDA ng emergency use authorization (EUA) sa Pfizer-BioNTech matapos na matuklasan na ang bakuna ay mayroong efficacy rate na 95% at 92% sa study population sa lahat ng lahi.
Ang iba pang COVID-19 vaccine makers na may nakabinbing EUA applications sa FDA ay AstraZeneca ng UK at Oxford University , Gamaleya ng Russia, Sinovac ng China at Bharat BioTech ng India.
Ang bakuna ay kailangan na mabigyan ng EUA ng FDA para maituring na legally administered sa bansa. (Daris Jose)
-
Pinas, kailangan ng mga bagong solusyon, mga alyansa para tugunan ang tensyon sa South China Sea -PBBM
INAMIN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tumaas ang tensyon sa South China Sea. Dahil dito, ginagawa at tinatrabaho na ng Pilipinas ang lahat ng makakaya nito para makahanap ng solusyon o kasagutan sa usaping ito. Binigyang diin ni Pangulong Marcos ang pangangailangan ng bansa na “mga bagong solusyon” sa gitna […]
-
THE SCARE SEQUENCES IN “THE NUN II” FEEL FRESH AND ARE NOT DERIVATIVE OF THE EARLIER FILMS, SAYS PRODUCER
WHAT is it about nuns that works so well in horror movies, such as “The Nun” and its upcoming sequel? “I think that it’s the idea of the ultimate evil possessing the vessel for the ultimate good,” says Peter Safran, producer for “The Nun II.” “I think nuns are supposed to be unabashedly […]
-
2 tricycle driver naaktuhan nag-aabutan ng droga sa Valenzuela
BAGSAK sa kalaboso ang dalawang tricycle driver na sangkot umano sa ilegal na droga matapos maaktuhan ng mga pulis na nag-aabutan umano ng shabu sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw. Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr, ang naarestong mga suspek bilang sina Anthony Delupio “Tonet”, 36, tricycle driver ng […]