• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Educational assistance program ng Manila LGU, natanggap na ng unang batch

TINATAYANG nasa mahigit 600 benepisyaryo ang nabiyayaan ng lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila sa pamamagitan ng Manila Department of Social Welfare (MDSW) ng kanilang educational assistance program ngayong araw.

 

Pinangunahan ni Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan, kasama si MDSW Director Ma. Asuncion “Re” Fugoso, ang paggawad ng tig-P5,000 educational assistance sa 674 benepisyaryo nito na ginanap sa San Andres Sports Complex.

 

Nasa kabuuang P3,370,000 ang naipamahagi ng Manila LGU sa mga benepisyaryo na nagmula sa distrito 1, 4, at 6 ng nasabing lungsod.

 

“Makakaasa po kayo nga ang pamahalaang Lungsod ng Maynila ay gagawin at mag-iisip ng mga paraan para lalong maibsan ang napakabigat na suliranin, dahil hanggang ngayon ay nasa ilalim pa rin po tayo ng state of health emergency,” ayon sa Alkalde.

 

Nabatid kay Fugoso na ito ang una sa apat na batch, kung saan mahigit 2,000 recipients mula sa Maynila ang inaasahang makakatanggap ng nasabing educational assistance. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • PBBM, hindi nagpahuli: Kuwentong kababalaghan sa Palasyo ng Malakanyang, inalala si Father Brown, gumagalaw na mga upuan

    HINDI nagpahuli si Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. na ibahagi ang mga  Halloween  ghost stories na naranasan at nangyayari sa Palasyo ng Malakanyang.  Sa Facebook video, inalala ng Pangulo ang pangyayari noong siya ay bata pa at ang kanyang ama ang Pangulo ng Pilipinas noong panahon na iyon. Aniya, nasa isa siya sa guest rooms malapit […]

  • COVAX INAPRUBAHAN NA ANG $150-M PARA SA MGA MAHIHIRAP NA BANSA

    INAPRUBAHAN na ng GAVI vaccine alliance’s board ang $150 million na pondo para matulungan ang 92 na low and middle income na bansa sa paggawa ng bakuna laban sa coronavirus.   Ang inisyal na pondo ay para makatulong sa COVAX facility sa kanilang operational level at matiyak ang routine immuniza- tion programs sa mga karapat- […]

  • Bulkang Taal itinaas sa Alert Level 2 dahil sa ‘increasing unrest’

    Matapos ang halos isang taon, iniakyat muli ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa Alert Level 2 ang Bulkang Taal matapos ang serye ng papatinding ligalig magmula pa noong nakaraang buwan.     Umabot na sa 866 shallow volcanic tremor episodes at 141 low-frequency volcanic earthquakes ang ipinamamalas ng bulkan magmula pa noong ika-13 […]