• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

KELOT HULI SA AKTONG SAKAY ANG TINANGAY NA MOTOR

KALABOSO ang 30-anyos na single father matapos maaktuhan ng mga pulis na sakay ang isang tinangay na motorsiklo sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.

 

 

Kinilala ni District Anti-Carnapping Unit ng Northern Police District (DACU-NPD) chief PMAJ Jessie Misal ang naarestong suspek bilang si Joe Mark Tenorio, 30 ng 389 Marulas A. Brgy. 36.

 

 

Ani PSSg Paul Colasito, dumulog sa tanggapan ng DACU para humingi ng tulong si Catherine Domingo matapos niyang makita ang kanyang nawawalang motorsiklo ay sinasakyan ng suspek sa kahabaan ng Marulas B. St., Brgy., 36 ng lungsod.

 

 

Kaagad nagsagawa ang mga tauhan ng DACU ng operation kasama ang Caloocan Police Sub-Station 2 sa pangunguna ni PMAJ Danilo Esguerra at PCAPT Joey Ilac ng Highway Patrol Group (HPG) CAMANAVA na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek dakong alas-5 ng hapon sa naturang lugar.

 

 

Nakumpiska sa suspek ang isang Honda XRM kaya nahaharap siya sa kasong paglabag sa RA 10883 (New Anti-Carnapping Act). (Richard Mesa)

Other News
  • MAINE, masayang kasama si ARJO sa wedding entourage ng kapatid; wish ng marami na magkatuluyan

    NAG-VIRAL na naman sa social media ang mga photos nina Maine Mendoza at Arjo Atayde.     Kuha ang mga larawan sa wedding ng brother ni Maine na si Nico at sister-in-law na si Krisha na kung saan kasama ang love birds sa wedding entourage, na in-upload sa fan account online na @everythingarmaine.     […]

  • “DUNGEONS & DRAGONS: HONOR AMONG THIEVES” UNLEASHES PAYOFF POSTER

    AN adventure of epic proportions. Check out the payoff poster for Paramount Pictures’ Dungeons & Dragons: Honor Among Thieves and get ready to see it in cinemas across the Philippines March 29, 2023. [Watch the film’s trailer below: https://www.youtube.com/watch?v=vKpDpZ5Di3Q&t=129s About Dungeons & Dragons: Honor Among Thieves    A charming thief and a band of unlikely adventurers undertake an […]

  • PDU30, ibinahagi sa ASEAN na masyado nang bugbog ang Pilipinas sa kalamidad dahil sa climate change…

    MARIING Iginiit ni Pangulong Rodrigo Roa  Duterte sa Association of Southeast Asian Nations  (ASEAN)  ang pagkakaisa para matugunan ang  peligrong idinudulot ng mga kalamidad bunga na rin ng climate change.   Sinabi ng Pangulo sa Plenary Session hinggil sa isinagawang 37th ASEAN Summit,  na masyado nang bugbog  ang Pilipinas sa sunud- sunod na mga delubyong […]