PDU30, ibinahagi sa ASEAN na masyado nang bugbog ang Pilipinas sa kalamidad dahil sa climate change…
- Published on November 14, 2020
- by @peoplesbalita
MARIING Iginiit ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang pagkakaisa para matugunan ang peligrong idinudulot ng mga kalamidad bunga na rin ng climate change.
Sinabi ng Pangulo sa Plenary Session hinggil sa isinagawang 37th ASEAN Summit, na masyado nang bugbog ang Pilipinas sa sunud- sunod na mga delubyong dulot ng bagyo na ang iniwan ay grabeng pinsala sa komunidad.
Importante rin na magkaroon ng nagkakaisang tinig para hingin ang aniya’y climate justice laban sa mga responsable at may kinalaman sa paglala ng climate change.
Kaya dapat lamang maihinto na ang paggamit ng carbon emission na karaniwan aniyang nakikita sa hanay ng mga developed countries.
Bukod dito, naibahagi rin naman ng Chief Executive sa kasagsagan ng Summit ang dinaranas ng bansa mula sa lupit ni Ulysses kaya’t matatandaang humingi ito ng permiso na pansamantalang bumitiw at mula doon ay nagbigay ng kanyang public address, nag aerial inspection at bumalik din sa summit. (Daris Jose)
-
Mananakay mas makikinabang sa motorcycle taxi law
MAS MAKIKINABANG umano ang mga mananakay sa sandaling maisabatas ang motorcycle law dahil makakahikayat pa ito ng pagpasok ng motorcycle companies sa bansa. Ito ang sinabi ni Grab Senior Executive Vice President Lim Yew Heng sa joint public hearing ng Senate committees on Public services and Local government kaugnay sa panukalang pag-regulate at […]
-
SIMBAHAN BILANG NEUTRAL AT PARTISAN
ANG simbahan bilang non-partisan ay hindi tulad ng pagiging neutral ayon sa opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) matapos magpahayag ng hindi pag-apruba para sa mga kandidato sa pulitika na “magnanakaw” at “sinungaling.” “Is the Church being neutral by being non-partisan? I guess people have to understand that being non-partisan […]
-
Ads February 18, 2020