World Bank, pinalilinis sa PH gov’t ang listahan ng mga benepisaryo ng social programs
- Published on July 11, 2022
- by @peoplesbalita
HINIMOK ng World Bank ang pamahalaan ng Pilipinas na linisin ang listahan ng mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Ayon kay World Bank Senior Economist for Social Protection and Job Global Practice Yoonyoung Cho, nakita nila na karamihan sa mga benepisyaryo ng cash transfer program ay hindi naman karapat-dapat.
Aniya, dapat magkaroon ang gobyerno ng malinis na database upang mapahusay ang targeting ng mga benepisyaryo tuwing may krisis.
Inirekomenda rin nila na ang streamlining ng contingency financing mechanism, para sa mas simpleng bureaucratic processing sa paggamit ng calamity funds.
Pinamamadali na rin ni Cho ang pamamahagi ng National ID dahil mas makatutulong ito na malinis ang listahan ng 4Ps at iba pang tulong. (Ara Romero)
-
SENATE BILL 2094: IBA ANG PUBLIC UTILITY sa PUBLIC SERVICE, at ang EPEKTO sa PUBLIC LAND TRANSPORTATION
Sa mahabang panahon ang public land transport ay itinuturing na public utility business kaya naman ayon sa nationality restriction provision ng Saligang Batas ay dapat at least 60 percent ay pagaari ng mga Pilipino. Ibig sabihin ay maaring pumasok sa public transport ang mga dayuhan basta hindi lalampas sa 40 percent ang kanilang […]
-
PBA, pinatawan ng 3-game suspension, P75-K multa si coach Tab Baldwin
Pinatawan na ng PBA ng three-game suspension at ng P75,000 multa si Ateneo coach Tab Baldwin dahil sa binitawan nitong mga batikos sa liga, at sa mga referee at coaches. Ibinaba ni PBA Commissioner Willie Marcial ang parusa isang araw matapos ang pag-uusap nila ni Baldwin sa ginanap na conference call kasama ang mga opisyal […]
-
Mga magwo -walk in sa National Vaccination day, hindi dapat na tanggihan – National Vaccination Operation Center
HINDI kailangang tanggihan ang mga walk-ins para sa tatlong araw na National Vaccination Day na nakatakda sa November 29, 30 at December 1. Ito ang inihayag ni Dr Kezia Rosario ng National Vaccination Operation Center lalo’t maituturing na “big day” ang nakatakdang kaganapan na naglalayong lalo pang mapataas ang mga bakunadong Pilipino. Sinabi […]