• June 5, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBA, pinatawan ng 3-game suspension, P75-K multa si coach Tab Baldwin

Pinatawan na ng PBA ng three-game suspension at ng P75,000 multa si Ateneo coach Tab Baldwin dahil sa binitawan nitong mga batikos sa liga, at sa mga referee at coaches.

Ibinaba ni PBA Commissioner Willie Marcial ang parusa isang araw matapos ang pag-uusap nila ni Baldwin sa ginanap na conference call kasama ang mga opisyal ng liga.

Sa pahayag ng PBA, nanindigan silang malaking kasiraan umano sa liga ang naging pahayag ni Baldwin, na tumatayo rin bilang assistant coach ng TNT KaTropa.

Una nang humingi ng paumanhin si Baldwin kay Marcial sa idinulot na kontrobersya ng kanyang mga komento.

Other News
  • Westbrook: ‘Gagalingan ko ang pag-asiste sa laro ni Anthony Davis’

    Tiniyak ni Russell Westbrook na mas matindi ang ibibigay niyang suporta sa big man ng Lakers na si Anthony Davis.     Ginawa ni Westbrook ang pahayag matapos ang kanilang first official practice.     Ipinagmalaki ni Westbrook na walang katulad si Davis sa NBA ngayon na maraming nagagawa ang size nito.     Kaya […]

  • ALDEN, naging daan para ma-convince si JOROSS na pasukin ang mundo ng live streaming

    MAY bagong career ang actor na si Joross Gamboa ngayong pandemic.       Although sabi nga niya, medyo late na rin daw siyang nag-start. Streamer na rin si Joross ng ilang online or mobile games tulada ng Mobile Legend. As in, araw-araw siyang nag-i-stream at nag-e-enjoy raw siya.     Bukod sa talagang gamer naman […]

  • PBBM dumalo sa groundbreaking ng bagong Disiplina Village Arkong Bato

    PERSONAL na dumalo si President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kasama si Valenzuela City Mayor WES Gatchalian sa ginanap na groundbreaking and capsule-laying ceremony para sa Phase 1 ng bagong Disiplina Village Arkong Bato sa M.H. Del Pilar Street, Barangay Arkong Bato na may motto “Bagong Bahay, Bagong Buhay”.     Sa suporta ng National Housing […]