KASO NG DENGUE SA MAYNILA, MANAGEABLE PA
- Published on July 11, 2022
- by @peoplesbalita
HINDI pa nakakaalarma at “manageable” pa ang mga kaso ng dengue sa lungsod ng Maynila.
Ito ang pahayag ni Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Head Arnel Angeles kasabay ng isinagawang fogging at misting operations sa Maynila ngayong araw, Biyernes.
Partikular sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center, na may naka-confine na ilang pasyente dahil sa dengue.
Tiniyak din ni Angeles ang patuloy na anti-dengue operations ng MDRRMO katuwang ang Manila Health Department upang hindi na tumaas pa ang mga kaso ng dengue sa lungsod.
Layon nito na maiwasan na lumaganap ang dengue sa mga kalapit barangay ng mga barangay na may mataas na dengue cases.
Sa katunayan, sinabi ni Angeles na nagsasagawa sila ng daily fogging at misting operations.
Habang ang ilang Barangay naman aniya ay kusa nang nagpa-fogging at misting operations at iba pang mga hakbang kontra-dengue gaya ng paglilinis ng kapaligiran.
Batay sa pinakahuling bilang ng MHD, hindi bababa sa 200 ang mga kumpirmadong kaso ng dengue sa Maynila mula noong Jan. 2022 hanggang June 25. (Gene Adsuara)
-
P215.64-B budget, inihirit para sa flood control projects sa 2024 – DBM
TINITINGNAN ng administrasyong Marcos ang budget allocation na P215.643 billion para pondohan ang flood mitigation projects para sa taong 2024. Sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na ang panukalang budget ay kasama sa 2024 National Expenditure Program (NEP) para sa Department of Public Works and Highways (DPWH) Flood Management Program. “In […]
-
Astrazeneca ‘mabenta’
Kanya-kanyang pareserba ang iba’t ibang local goverment units (LGUs) sa Metro Manila ng COVID-19 vaccine mula sa pharmaceutical giant na AstraZeneca buhat sa United Kingdom para sa kanilang mga constituents. Nagkakahalaga ang mga Ito ng mula sa multi-milyon hanggang sa bilyong piso kumporme sa budget ng mga lungsod. Ang Maynila ay bibili ng […]
-
Rhian, super supportive sa charity event ng boyfriend: SAM, naging emosyonal sa pagle-let go ng dream car ng yumaong ama
SUPER supportive talaga na girlfriend si Rhian Ramos, dahil present na naman siya last Sunday sa fundraising event ni Rep. Sam Verzosa na “Driven to Heal” na ginanap sa Frontrow Headquarters da Quezon City, kung saan pina-auction sa mga koleksyon ng mamahaling sasakyan ng public servant, na tatakbong mayor sa Maynila sa darating na 2025 […]