• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Binash dahil nag-react din sa viral statement ni Ella: GISELLE, tinawag na ‘tanga’ ang mga nag-discredit sa People Power experience niya

NAG-REACT din pala ang host/actress na si Giselle Tongi sa viral and controversial statement ni Ella Cruz na “History is like tsismis”.

 

 

Si Ella nga ang gumaganap bilang Irene Marcos sa pelikulang “Maid in Malañanang” ni Darryl Yap para sa Viva Films na ipalalabas this month na kung saan tungkol ito sa last 72 hours ng pamilya Marcos sa Malacanang Palace.

 

 

Sagot ni Ella, “History is like a chismis. It is filtered and dagdag na rin, so hindi natin alam what is the real history. Andoon na iyong idea, pero may mga bias talaga. As long as we’re alive. At may kanya-kanyang opinion. I respect everyone’s opinion.”

 

 

Hindi nga napigilang mag-comment ni G sa kanyang Twitter account, na kasama ang libu-libong Filipino na dumagsa sa EDSA noong eight years old pa lamang siya.

 

 

Tweet niya, “@itsEllaCruz actors don’t need to justify the villainy of their roles. I would to share with you how at 8 years old in 1986, I marched to the streets, along with countless others who are part of a history you are dismissing as here say.

 

 

“Wag nak’! It feels like erasure. Di Tama!”

 

 

May nag-react na mga netizens sa komento ni G, kaya may nag-screenshot ng lumang article na mababasang, “Tongi waits in the wings.”

 

 

Makikita na bahagi nito na, “Giselle was born in France to a Swiss father and a Filipino mother. She was raised by her mom in New York and came to live with her in Manila when she was 15.”

 

 

May nagsabing nagsisinungaling ang dating aktres sa naging statement tungkol sa mapayapang 1986 People Power.

 

 

Kaya naman nag-react si G Tongi ng pagkalat ng lumang artikulo na kung saan binash siya ng mga netizens, kaya tinawag niyang mga ‘tanga’.

 

 

Buwelta niya sa mga bashers, “Why are people so gullible? I was at People Power, when the Marcos authoritarian family was ousted out of power. I was a student in De La Salle Zobel at the time living in Paranaque.

 

 

“Just coz a prior article is wrong doesn’t discredit my experience. Mga tanga!”

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • 5-year plano sa trapik, nilatag ng MMDA at MM Mayors

    NILATAG ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), 17 mayors ng Metro Manila at mga ahensya ng national government ang five-year plan sa trapiko upang mabawasan ang pagsisikip ng mga sasakyan sa mga pangunahing lansangan sa kalakhang Maynila.   Ayon sa MMDA, ang Comprehensive Traffic Management Plan (CTMP) for Metro Manila ay bibigyan ng pondo mula […]

  • WANTED SA PANANAKIT SA KA-LIVE-IN NA BUNTIS, ARESTADO SA MALABON

    ISANG lalaking wanted dahil sa pananakit sa kanyang walong buwan buntis na live-in partner ang arestado ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.     Ayon kay Malabon police chief P/Col. Albert Barot, si Rickman Serafin, 30 ng Blk 14G, Lot 14, Teacher’s Village, Brgy. Longos ay […]

  • Sylvester Stallone Made $51 Million For ‘The Expendables’ Movies

    SYLVESTER Stallone, the mastermind behind The Expendables franchise, and it may surprise fans to know how much he was paid for producing the four films as well as starring in them as mercenary Barney Ross.   Stallone reignited interest in the action movie stars of the ’80s and ’90s by getting actors like Arnold Schwarzenegger, […]