• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

San Miguel umeskapo sa Blackwater sa overtime

HINDI inasahan ng San Mi­guel na mahihirapan si­lang iligpit ang Blackwater.

 

 

Kinailangan ng Beermen ng extra period para lu­sutan ang Bossing, 110-107, at patuloy na solohin ang liderato ng 2022 PBA Philippine Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

 

 

Umiskor si six-time PBA MVP June Mar Fajardo ng anim sa kanyang 25 points sa overtime para sa pang-limang sunod na ratsada ng San Miguel.

 

 

Pinalakas rin nila ang pag-asa sa isa sa dala­wang ‘twice-to-beat’ incentive sa quarterfinals.

 

 

“I know this team will be tough to beat come the playoffs,” sabi ni coach Leo Austria na nakahugot rin ng 25 markers kay Jericho Cruz. “We’re lucky we’re able to pull off a win in overtime.”

 

 

Nagdagdag si CJ Pe­rez ng 23 points, habang may 17 markers si center Moala Tautuaa.

 

 

Nahinto naman ang apat na sunod na arangka­da ng Blackwater para sa 5-2 marka.

 

 

Humataw si Rashawn McCarthy ng 22 points pa­ra sa Bossing na nakaba­ngon mula sa 21-point deficit, 65-86, sa pagsisimula ng fourth period para agawin ang 95-92 abante sa 2:15 minuto nito.

 

 

Iginiya ni Cruz ang Beermen sa extension, 97-97, mula sa isialpak na floater.

 

 

Nagsanib-puwersa sa overtime sina Fajardo at Tautuaa para ilayong muli ang San Miguel sa 106-101 sa huling 54 segundo.

 

 

Ngunit hindi sumuko si­na Baser Amer at JVee Ca­sio matapos magsalpak ng magkasunod na triples para sa 107-108 agwat ng Blackwater sa nalalabing pitong segundo.

 

 

Tuluyan nang sinelyuhan ni Fajardo ang panalo ng Beermen sa kanyang da­­lawang free throws.

 

 

Tumipa si Rey Suerte ng 18 points para sa Bossing at may 17, 15 at 11 mar­­kers sina Amer, Casio at Brandon Ganuelas-Ros­ser, ayon sa pagkakasunod.

Other News
  • PDEA: ‘HALAGA NG ILLEGAL DRUGS NA NAKATAGO PA SA EVIDENCE VAULT, NASA P14-B PA’

    PUMAPATAK pa umano sa mahigit P14-bilyong halaga ng iligal na droga ang nasa kasalukuyang pangangalaga ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).   Sa panayam kay PDEA Spokesperson Derrick Carreon, sinabi nito na batay sa kanilang pinakahuling inventory, umaabot na lamang sa nasabing halaga ang hawak nilang ipinagbabawal na gamot, mula sa lampas P22-bilyon.   Paglalahad […]

  • SEC desidido nang ipasara Rappler Inc.; news outlet aapela

    DESIDIDO ang Securities and Exchange Commission (SEC) na ipatupad ang 2018 decision nito na ipasara ang media company na Rappler Inc., bagay na pumutok ilang araw bago matapos ang termino ni President Rodrigo Duterte.     Kinatigan ng SEC ang nauna nitong utos, eksakto isang linggo matapos ibalitang ipina-block ng gobyerno sa sites ng news […]

  • Bulacan inaugurates new youth rehabilitation center

    CITY OF MALOLOS – To guide the children in conflict with the law (CICL) towards a better future, the Provincial Government of Bulacan headed by Governor Daniel R. Fernando together with the Provincial Social Welfare and Development Office inaugurated the new Tanglaw ng Pag-asa Youth Rehabilitation Center (TPYRC) located at Brgy. Bulihan in this city […]