FIBA saksi sa PBA bubble
- Published on October 7, 2020
- by @peoplesbalita
NASA Mies, Switzerland ang International Basketball Federation o FIBA headquarters, habang ang FIBA Asia ay nasa Beirut, Lebanon.
Pero nagmamatyag sila sa Clark Freeport Economic Zone sa Angeles City, Pampanga para masusing saksihan ang eksperimento ng PBA sa bubble sa pagpapatuloy sa 45 th Philippine Cup eliminations 2020 sa darating na Linggo, Oktubre 11.
Naghahanap ang world’s governing-continental sport body ng lugar na puwedeng pagtuluyan ng Asia Cup qualifying tournament, nirerekisa kung papasa ang Clark at Angeles University Foundation gym.
“Nagmamasid ‘yung FIBA,” bigkas nitong isang araw ni PBA commissioner Wilfrido Marcial. “May nagsabi sa akin, hinihintay, tinitingnan ng FIBA. Kapag naging successful ang Clark bubble, baka p’wedeng madala rito ang Asia Cup.”
Sinuspinde ang mga laro sa Asia Cup qualifying dahil sa coronavirus disease 2019 nitong Marso. May limang laro pa ang Gilas Pilipinas o national men’s basketball team, kasama sa Group A ng Indonesia, Korea at Thailand.
Isang bentahe ng Clark ang international airport doon na malapit din sa hotel at playing venue.
“Ang alam ko, isang may gusto (sa Clark) Thailand,” hirit ni Marcial. “Maganda doon, doon ka na lalapag. Wala ka ng ibang pupuntahan. ‘Yung international airport na lalapagan, tapos nandoon ka na. walang ganu’n ‘yung iba.”
Ready naman ang Bases Conversion and Development Authority at ang Clark Development Corporation sakaling mag-request ang FIBA na pagtuluyan ng qualifying window games.
“Makakaasa po kayo na handa po tayo rito, at sisiguruhin natin na kakayanin nating i-host kung gugustuhin po ng FIBA,” namutawi naman kay BCDA president Vince Dizon.
Abangan po natin ang susunod na kabanata. (REC)
-
Skilled sexy assassin pala ang magiging role… KATRINA, super shocked at nahirapan sa mga trainings para sa ‘Black Rider’
NATATAWANG kinuwento ni Katrina Halili na hindi niya kaagad nalaman na skilled sexy assassin ang magiging role niya sa upcoming Kapuso drama-action series na Black Rider. Kinuwento ni Katrina ang kanyang naging paghahanda sa kanyang role bilang si Romana. “Medyo nahirapan po ako kasi kailangan kong dumaan sa mga […]
-
Manila Mayor Honey Lacuna, ibinida ang mga nagawa sa Maynila sa kanyang SOCA 2024
IBINIDA ni Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan sa kanyang ikatlong State of the City Address (SOCA) ang ginawa ng kanilang administrasyon hinggil sa pagpapahusay sa serbisyong pangkalusugan, de-kalidad na edukasyon, pagpapasigla sa turismo, libo-libong trabaho, at pagtatayo ng mga pampublikong gusali, na ginanap sa Philippine International Convention Center (PICC) nitong Hulyo 30, 2024. […]
-
BEA, ‘di pa siniseryoso ang lovelife dahil ‘di pa mapatawad ang isang tao; kahit happy na kay DOMINIC
MATAGAL na palang gustong ma-meet nang personal ng bagong Kapuso actress na si Bea Alonzo, si Ms. Jessica Soho ng Kapuso Mo, Jessica Soho ng GMA Network, dahil nanonood daw siya nito every Sunday. Kaya naman right after makapirma ng contract niya si Bea sa Kapuso Network ay pumayag siya agad na ma-interview […]