• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Navotas nakatanggap ng 250 doses ng pneumococcal vaccine mula sa DOH

NAGBIGAY ang Department of Health (DOH sa pamamagitan ng pagsisikap ni dating Congressman at ngayo’y si Navotas City Mayor John Rey Tiangco ng 250 doses ng pneumococcal vaccine para sa Pamahalaang Lungsod.

 

 

Ibinunyag ng DOH na ang pneumococcal vaccine ay isa sa pinakamabisang bakuna kontra sa malubha at potentiall fatal pneumonia infections na kadalasan nararanasan ng mga matatanda.

 

 

Noong Martes ng hapon, ang Navotas City Health Office, sa tagubilin ni Mayor Tiangco ay nagsimulang mamahagi ng mga bakuna sa mga senior citizens na pinili ng Office of Senior Citizen Affairs (OSCA) chapters.

 

 

Nauna rito, iniulat ng University of the Philippines (UP) Population Institute na ang pneumonia ay itinuturing na isa sa mga nangungunang sanhi ng pagkamatay ng mga senior citizens na edad 60 pataas.

 

 

Sa figure na ito, sinabi ng Philippine Society of Microbiology and Infectious Diseases (PSMID), ang UP Population Institute ay lubos na inirerekomenda ang mga taong may edad 60 pataas na mabigyan ng pneumococcal vaccine upang tugunan hindi lamang ang pneumonia kundi pati na rin ang trangkaso. (Richard Mesa)

Other News
  • LEA at MICHAEL BUBLE, sanib-puwersa bilang mga hurado sa all-digital singing competition na ‘Sing For The Stars’

    SINA Lea Salonga at international singer Michael Buble ay magsasanib-puwersa bilang mga judges sa all-digital international singing competition na Sing For The Stars ng Filipino streaming platform na Kumu.     Layunin ng singing contest na ito ay para ma-empower ang digital creativity ng mga Pinoy at maka-discover ng fresh musical talents.     Ayon […]

  • Posible kayang mag-join sa Miss Universe PH?: GABBI, kinagiliwan ng netizens ang pag-a-ala-beauty queen

    HINANGAAN ng marami ang pagiging supportive father ni Jestoni Alarcon sa anak na si Angela Alarcon dahil tinulungan niya itong makahanap ng tamang match sa EXpecially For You segment ng ‘It’s Showtime.’       Inamin ni Angela na very strict daw ang kanyang daddy pagdating sa mga manliligaw niya.       Mensahe ni […]

  • Operasyon ng ABS-CBN, tuloy kahit mapaso ang prangkisa – NTC

    Binigyang katiyakan ng National Telecommunications Commission (NTC) na makakapag-operate ang TV Giant ABS-CBN kahit pa man mapaso na sa Mayo 4, 2020 ang kanilang legislatve franchise.   Ang pagtiyak ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba sa mga mambabatas sa isinagawang pulong ng House Committee on Legislative Franchises kung saan inilatag ang magiging ground rules sa pagdinig […]