• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

BAGONG OBISPO NG CEBU, ITATALAGA SA AGOSTO 19

NAKATAKDANG  italaga bilang bagong Obispo ng Archdiocese of Cebu si Bishop-elect Ruben Labajo.

 

 

Nagpahayag naman ng pasasalamat si Cebu Archbishop Jose Palma sa pagkakaroon ng isa pang katuwang na obispo sa nasabing  Archdiocese.

 

 

Sa panayam ng Radio Veritas kay Archbishop Palma, mahalaga ang pagkatalaga ni Bishop-elect Labajo  upang makatulong sa pangangasiwa ng may limang milyong populasyon ng mga Katoliko sa lalawigan.

 

 

“Malaking tulong ito, malaking biyaya dahil napakalaki ng [Archdiocese of] Cebu at alam natin ‘yung mga pastoral ministry na kailangan ng serbisyo ng obispo kaya nagpapasalamat kami sa Diyos at sana sabayan ninyo kami nitong pasasalamat,” pahayag ni Archbishop Palma sa Radio Veritas.

 

 

Ang pagdiriwang ng ordinasyon ni  Bishop-elec Labajo ay sa August 19, ganap na ika-siyam ng umaga sa Cebu Metropolitan Cathedral.

 

 

Nanawagan din si Archbishop Palma sa pananampalataya nang patuloy na panalangin sa mga pastol ng simbahan upang manatiling matatag sa kanilang tungkulin na paglingkuran ang mamamayan tulad ng mga halimbawa ni Hesus.

 

 

“Ipanalangin po ninyo kami mga obispo na maging ganap sa aming tungkulin na talagang ‘servant leader’; ang aming buhay ay buhay gaya ng mabuting pastol na nagsisilbi sa mamamayan,” ani Archbishop Palma.

 

 

June 23 nang italaga ni Pope Francis si Bishop-elect Labajo bilang auxiliary Bishop ng Cebu katuwang ni Archbishop Palma at Bishop Midyphil Billones.

 

 

Buong kababaang-loob namang tinanggap ng bagong talagang obispo ang bagong misyon sa simbahan.

 

 

Sa halos 30-taong pagiging pari ilan sa mga ginampanan ni Bishop-elect Labajo ang pagiging Parish vicar sa Mandaue City, Santa Fe Parish sa Bantayan Island, at St. Joseph Parish sa Tabunok Talisay, Cebu Metropolitan Cathedral, habang noong 2017 naging bahagi ang pari sa Council of Consultors, Episcopal Vicar sa unang distrito ng arkidiyosesis at kasapi ng Presbyteral Council.  (Gene Adsuara)

Other News
  • Dela Pisa desididong manalo ng gold medal

    PURSIGIDO si national gymnast Daniela dela Pisa na magwagi ng gold medal sa 31st Southeast Asian Games 2021 na sa Hanoi, Vietnam sa Nobyembre 21-Disyembre 2.     Kaya bigay todo na siya sa paghahanda sa kasalukuyan sa tuwing ikalawang taong paligsahan para sa 11 bansa.     Kababalik lang Hungary training camp ng 17-anyos […]

  • Work-from-home scheme pag-aaralan

    PAG-AARALAN ng Malakanyang kung dapat ng patulan ang panawagan ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) magkaroon ng “flexible work arrangement” ang mga government employees dahil na rin sa COVID-19.   “I think, pag-aralan natin. We will study it,” ayon kay Sec. Panelo.   Sa naging pahayag ni TUCP president Raymond Mendoza ay sinabi […]

  • JOAQUIN PHOENIX IS VICTORIOUS AS “NAPOLEON” IN NEW FEATURETTE

    THE authenticity and passion of Academy Award® winner Joaquin Phoenix is what makes him the perfect Napoleon. From acclaimed director Ridley Scott and starring Phoenix, Napoleon opens in Philippine cinemas November 29. Watch the “Unique Genius of Joaquin Phoenix” in this newly released featurette:  YouTube: https://youtu.be/t-GzKyT3xO8 About Napoleon Napoleon is a spectacle-filled action epic that details the checkered rise and […]