Dela Pisa desididong manalo ng gold medal
- Published on February 10, 2021
- by @peoplesbalita
PURSIGIDO si national gymnast Daniela dela Pisa na magwagi ng gold medal sa 31st Southeast Asian Games 2021 na sa Hanoi, Vietnam sa Nobyembre 21-Disyembre 2.
Kaya bigay todo na siya sa paghahanda sa kasalukuyan sa tuwing ikalawang taong paligsahan para sa 11 bansa.
Kababalik lang Hungary training camp ng 17-anyos na dalagita sa layuning mapantayan, hindi man mahigitan ang tagumpay sa women’s rhythmic gymnastics hoop event ng 30th SEA Games PH 2019.
“She’s back in Hungary training,” pahayag nitong isang araw ni national coach Whynn Reroma patungkol kay Dela Pisa. “She’s already preparing for the SEA Games in Vietnam.”
Bukod sa hoop gold medal, dumale rin si Dela Pisa ng dalawang bronze medal sa ball at club events sa huling edisyon ng palaro kung saan defending overall champion ang mga atletang Pinoy. (REC)
-
Galvez, tatalakayin sa FDA at DOH ang pagpapaiksi sa interval period para sa COVID-19 booster shots
SINABI ni Vaccine czar Carlito Galvez Jr. na tinitingnan ng pamahalaan na paikliin ang interval period ng pagkuha ng booster shots matapos ang primary dose series sa pagitan ng apat hanggang anim na buwan. Sa naging pagbisita ng National Task Force Against COVID-19 sa Bacoor, sinabi ni Galvez na pag-aaralan nila ang panukala at […]
-
Nag-file na ng custody para kay Malia: POKWANG, may hanash sa bagong karelasyon ni LEE
MADALING ma-get ng kahit sino na ang tila pinatutungkulan ni Pokwang sa mga sunod-sunod niyang post sa social media ay ang ex-partner at ama ng anak na si Tisay o si Malia O’Brian na si Lee O’Brian. Bigla na lang kasi na parang ngayon lumalabas ang mga emosyon o dala-dala ni Pokwang sa ama ng […]
-
NCR at Davao City, mananatili sa ilalim ng GCQ; CAR at 6 na iba pa, isinailalim din sa GCQ para sa buong buwan ng Pebrero- Sec. Roque
MANANATILI sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) classification ang National Capital Region (NCR) at Davao City simula sa darating na Lunes, Pebrero 1 hanggang Pebrero 28, 2021. Bukod sa NCR at Davao City ay isinailalim din sa GCQ ang mga lalawigan ng Batangas at Cordillera Administrative Region na kinabibilangan ng Abra, Apayao, Benguet, […]