Pagsusuri sa education curriculum, suportado ni PBBM
- Published on July 14, 2022
- by @peoplesbalita
SUPORTADO ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang panukalang suriing mabuti ang education curriculum ng bansa upang ihanda ang mga estudyante na may skills o kasanayan na kinakailangan ng iba’t ibang industriya at tugunan ang umiiral na job mismatch.
Sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na napag-usapan sa lingguhang Cabinet meeting, araw ng Martes ang mga concerns hinggil sa “skills at competencies” ng mga manggagawa at paraan kung paano mag-produce ang PIlipinas ng mga graduates.
“Among the suggestions to address these standing issues include a reform of the current curriculum since the rise of automation has posed a threat to many jobs,” ayon kay Cruz- Angeles.
Pinangunahan ni Pangulong Marcos ang Cabinet meeting via teleconferencing lalo pa’t siya ay nananatiling nasa isolation matapos na magpositibo sa testing para sa COVID-19.
Sinabi ni Pangulong Marcos sa mga miyembro ng kanyang gabinete na ang “basic education skills and knowledge” ay kailangan na mapahusay upang ihanda ang mga estudyante sa hangarin ng mga itong isulong ang “higher level of learning.”
“That’s exactly what is happening. That is why we have to look at the curriculum as well. Not only of TESDA (Technical Education and Skills Development Authority), but also even our diploma courses,” ayon kay Pangulong Marcos.
Sa kanyang PowerPoint presentation, binigyang diin ni Trade Secretary Alfredo Pascual ang pangangailangan para muling suriin ang education curriculum partikular na ang “basic at tertiary education.”
“Basic skills must be instilled on students,” ayon kay Pascual sabay sabing pinaigting ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pagsisikap nito na matulungan ang mga unibersidad na i- develop ang micro-credentialing systems upang makahabol sa fast-changing technological advancements.
“We’re developing or helping universities develop this system of micro-credentialing because technology is changing very fast. There is a need for workers to update themselves, to reskill or upskill,” ayon kay Pascual.
Tinukoy naman ni Pascual ang kaso ng National University of Singapore na nag-alok ng “focused but short courses” sa ilang teknolohiya at pinagkalooban ang mga estudyante ng micro-credential, kahalintulad ng diploma subalit para sa isang short course.
Ipinanukala naman ng DTI secretary ang pangangailangan para sa PIlipinas na magpadala ng mga Filipino teachers sa ibang bansa para sa pagsasanay.
“Vietnam, for example, sends teachers to the United States and Europe for advanced studies,” anito.
Samantala, upang matugunan ang kasalukuyang job mismatch, sinabi ni Pascual na ang DTI ay dapat na makipagtulungan sa Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHED), at TESDA.
“We will also collaborate with the said entities or authorities, the skills development, reskilling and upskilling of Philippine workforce through our own Philippine Skills Framework,” ayon kay Pascual. (Daris Jose)
-
Marcial pinuri si Pacman
Nagbigay ng tribute si Tokyo Olympics bronze medalist Eumir Marcial kay Manny Pacquiao isang araw matapos matalo ang Filipino world eight-division champion kay Cuban world titlist Yordenis Ugas. Ayon sa middleweight na si Marcial, habambuhay na mananatili si Pacquiao sa kanyang puso. “Ever since I was a child, the name Manny […]
-
Mahigit 10-M Ukrainians nakaalis na sa kanilang bansa simula nang lusubin ng Russia ang Ukraine
NASA mahigit 10 milyon na mga Ukrainians na ang iniwan ang kani-kanilang mga tahanan para umalis sa bansa simula nang lusubin ito ng Russia. Ayon kay UN Humanitarian Affairs Deputy Emergency Coordinator Joyce Msuya, mahigit sa kalahati ng populasyong ito ay pawang mga kabataan. Aabot sa 6.5 milyon sa mga ito […]
-
SANYA at ROCCO, reunited sa inaabangang primetime series na ‘First Lady’; kinakiligan pa rin ng fans
REUNITED sina Sanya Lopez at Rocco Nacino sa inaabangan na GMA primetime teleserye na First Lady. Unang nagtambal sina Sanya at Rocco sa Encantadia noong 2016 at nasundan ito ng Haplos noong 2017. Nagkaroon ng fans ang tambalan nila Sanya at Rocco at umasa silang magkakatuluyan ang dalawa, pero biglang lumitaw […]