Fuel subsidy program handang ipagpatuloy ng pamahalaan sakaling manatiling mataas ang presyo ng langis sa PH
- Published on July 15, 2022
- by @peoplesbalita
MAGPAPATULOY ang pamamahagi ng tulong pinansyal ng pamahalaan para sa mga sektor ng transportasyon at agrikultura ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno.
Ipinahayag ito ni Diokno matapos ang isinagawang kauna-unahang pagpupulong ng economic team ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Aniya, handa ang gobyerno na ipagpatuloy ang pamamahagi ng nasabing ayuda para sa mga kababayan nating lubhang apektado ng sunud-sunod na mataas na singil sa produktong petrolyo bansa.
Ngunit sinabi niya na sa mga susunod na taon ay inaasahan nang magiging stable ang presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado matapos na ibalita ni Department of Budhet and Management Secretary Amenah Pangandaman na posibleng pumalo na lamang sa USD70 hanggang USD90 ang kada bariles ng Dubai crude oil pagsapit ng taong 2024-2028 dahil inaasahan aniyang magiging stable na ang supply nito sa mga panahon na iyon.
Samantala, sa kabilang banda naman ay sinabi rin ni Pangandaman na bagama’t sinabi ng pamahalaan na handa itong ipagpatuloy ang fuel subsidy program ay wala pa aniya silang natatanggap na kahilingan mula sa Department of Transportation (DOTr) na ipagpatuloy ang pagpopondo para dito.
-
Nag-viral at higit 3 million views na: WILBERT, pinakaunang male celeb na gumawa ng ‘Asoka Makeup’ challenge
AS expected, hindi nagpakabog ang sikat na content creator, influencer at talent manager na si Wilbert Tolentino sa Asoka Makeup challenge na trending ngayon sa socmed. As of this writing, naka-3 million views na ang Asoka makeup challenge na version ni Wilbert after one hour, na naka-post sa kanyang FB fanpage na @WilbertTolentino. Very entertaining […]
-
Financial Literacy Seminar sa Navotas City
UMABOT sa 75 na mga senior, estudyante, small business owners, at mga empleyado ang dumalo sa Financial Literacy Seminar na isinagawa ng pamahalaang lungsod kaugnay ng pagdiriwang ng ika-118 Navotas Day. Binigyang-diin ni Mayor John Rey Tiangco ang halaga ng wastong kaalaman kung paano mag-ipon, mag-invest, at gumamit ng pera, lalo na para may sapat […]
-
Bakunahan ng Bivalent COVID-19 vaccine lumarga na
PINANGUNGAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Miyerkules ang paglulunsad ng Bivalent COVID-19 vaccine kung saan hinikayat niya ang sambayanang Pilipino lalo na ‘yung mga wala pang primary series na magpabakuna upang maproteksiyunan ang kanilang pamilya at ang publiko. “I thus appeal to everyone especially those who have yet to receive their primary […]