• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Cignal, Choco Mucho unahan sa 2-0

PAG-AAGAWAN ng Cignal HD at Choco Mucho ang maagang liderato sa pagpapatuloy ng Premier Volleyball League (PVL) Invitational Conference nga­yong araw sa The Arena sa San Juan City.

 

 

Asahan ang matinding paluan sa pagitan ng HD Spikers at Flying Titans sa alas-2:30 ng hapon na susundan ng bakbakan ng PetroGazz at Philippine Army sa alas-5:30 ng hapon.

 

 

Parehong galing sa panalo ang HD Spikers at Flying Titans para matali sa four-way tie sa tuktok ng standings tangan ang 1-0 marka kasama ang PLDT Home Fibr at reig­ning Open Conference champion Creamline.

 

 

Nanaig ang Flying Titans sa Chery Tiggo sa bendisyon ng 25-21, 25-21, 25-21 panalo sa opening day ng liga noong Sabado kung saan nanguna si national mainstay Kat Tolentino na nagpasabog ng 22 puntos.

 

Subalit hindi lamang si Tolentino ang aasahan ng Flying Titans dahil nariyan pa sina middle blockers Bea de Leon at Aduke Ogunsanya, at outside hitters Isa Molde at Desiree Cheng na maaasahan din sa opensa.

 

 

Mamamanduhan naman ni setter Deanna Wong ang playmaking kasama si libero Denden Lazaro.

 

 

Mataas din ang moral ng HD Spikers na nagrehistro ng 25-17, 21-25, 25-20, 25-20 panalo kontra sa Lady Troopers.

 

 

Magsisilbing lider ng Cignal si veteran wing spi­ker Rachel Anne Daquis kasama si Ces Molina, Ria Meneses, Roselyn Doria, Gen Layug, Angeli Araneta at setter Gel Cayuna.

Other News
  • Suporta ng US, Japan sa interes ng Pilipinas sa WPS isang tagumpay

    NANINIWALA si House Speaker Martin Romualdez na isang tagumpay ang pagbibigay ng katiyakan ng Estados Unidos at Japan kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na suportado ng mga ito ang interes at soberenya ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).     Ito ay batay sa inilabas na Joint Vision Statement nina US President Joe Biden, […]

  • Internet connection sa LRT 2 pinalakas pa ng SMART

    Pinalakas pa ng Smart Communications ang network coverage sa lahat ng estasyon ng Light Rail Transit Line 2 upang mas mabigyan ng magandang serbisyo ang mga sumasakay.     Naglagay ang Smart ng microsites upang mas gumanda ang internet service sa LRT 2 na mayrong 11 na estasyon simula sa Santolan sa Pasig hanggang sa […]

  • DepEd kinumpirma, may mga kaso pa rin ng COVID-19 sa ilang eskuwelahan

    MAY mga kaso pa rin ng  COVID-19 sa ilang eskuwelahan sa gitna ng pagpapatuloy ng face-to-face classes.     Iyon nga lamang hanggang ngayon ay hindi pa rin inilalabas ng Department of Education (DepEd)  ang detalye ng mga kaso kabilang na ang eksaktong pigura at lokasyon ng eskuwelahan.     Subalit, tiniyak ng DepEd na […]