• May 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Internet connection sa LRT 2 pinalakas pa ng SMART

Pinalakas pa ng Smart Communications ang network coverage sa lahat ng estasyon ng Light Rail Transit Line 2 upang mas mabigyan ng magandang serbisyo ang mga sumasakay.

 

 

Naglagay ang Smart ng microsites upang mas gumanda ang internet service sa LRT 2 na mayrong 11 na estasyon simula sa Santolan sa Pasig hanggang sa Recto sa Manila.

 

 

Ang microsites na ito ay magbibigay ng karagdagang LTE coverage at capacity upang magkaron ng mas mabilis na mobile data para sa mga sumasakay na magagamit nila habang sila ay nakasay sa LRT 2.

 

 

“This is part of our efforts to collaborate with the government in improving the mobile data experience of our customers wherever there’s customers wherever there’s need, using the best technologies despite the challenges posed by the pandemic,” saad ni PLDT and Smart head of technology Mario Tamayo.

 

 

Umaakma ang expansion at upgrade ng mobile data network sa kabuohang LTE network lalo na sa mga urban areas kung saan natutulungan ang kanilang mga customers na magtrabaho at mag-aral sa kanilang mga tahanan. Makakatulong din ito sa sa mga online businesses, panood ng mga news at iba pang upadates tungkol sa pandemya at vaccine roll out kasama na rin ang pakikipagugnayan sa ating mga mahal sa buhay habang pinapatupad ng social distancing sa gitna ng pandemya.

 

 

Simula pa noong 2016, ang Smart ay nagtataguyod na upang tumaas ang paglalagay ng WIFI sa mga high foot-traffic areas sa buong bansa sa pamamagitan ng pagbibigay ng serbisyong mabilis, libre at maaasahan sa araw-araw na internet connectivity sa mga transport hubs, airports, universities, malls at hospitals.

 

 

Sa kasalukuyan, ang Smart mobile network ay nagbibigay ng serbisyo sa 96 percent na population at kinikilala sa bansa na mayron na pinakamabilis na mobile network ng binigay ng third party firm na Ookla noong 2018.

 

 

“Our consistent network superiority is a result of PLDT’s continuous investments in the expansion of fixed and wireless networks nationwide to elevate the telecommunications industry and deliver world-class services to the Filipinos,” dagdag ni Tamayo.

 

 

Ayon sa PLDT naglaan sila ng P88 billion hanggang P92 billion para sa kanilang capital expenditures itong taon na siyang patuloy na magbibigay ng suporta sa patuloy na expansion ng kanilang 4G/LTE network sa buong bansa at ang mabilis na roll out ng kanilang 5G.  LASACMAR

Other News
  • PDu30, hands off sa napipintong pagpapalit ng House leadership -Sec. Roque

    HANDS off si Pangulong Rodrigo Roa  Duterte sa usapin ng  term sharing sa Kamara sa pagitan nina House Speaker Allan Peter Cayetano at Marinduque Representative Lord Allan Jay Velasco.   Tiniyak ni Presidential spokesperson Harry Roque, hindi panghihimasukan ni Pangulong Duterte  ang una nang naging  arrangement ng dalawang mambabatas na may kinalaman sa hatian ng pamumuno […]

  • Pinas, bigo na mapagtagumpayan ang target para makalabas sa ‘grey list’ nitong Enero 2024

    NABIGO ang Pilipinas na mapagtagumpayan ang target na makalabas sa Financial Action Task Force’s (FATF’s) “grey list” nitong Enero 2024.     Subalit tinanggap ng pamahalaan ang pagbanggit sa lokal na pagsisikap para tugunan ang mga concern ng watchdog.     Sa ulat na may petsang Pebrero 23, inilagay ng FATF ang Pilipinas sa ilalim […]

  • Halos 4M kabataan, nakinabang sa nagpapatuloy na feeding program ng pamahalaan – DSWD

    UMABOT na sa halos apat na milyong mga kabataang ang nakinabang sa nagpapatuloy na supplementary feeding program ng pamahalaan.     Ito ay simula ilunsad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang nasabing programa mula 2021 hanggang nitong Hunyo-30 ng taong kasalukuyan.     Ayon sa DSWD Secretary Rex Gatchalian, ang pagpapatuloy ng […]