• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

IATF, patuloy na magtatrabaho-Malakanyang

MAGPAPATULOY ang trabaho at gampanin ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) sa gitna ng umiiral na  coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic.

 

 

“Ang masasabi lang po natin ay tuloy-tuloy naman po ang trabaho ng IATF. Hindi naman po sila naantala kahit po bago na ang administrasyon. So tinutuloy pa rin po ang IATF ,” ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles.

 

 

Ang pahayag na Ito ni Cruz-Angeles ay tugon sa tanong kung nakatakda na bang mag-anunsyo ang  IATF-EID ng bagong Covid-19 alert levels para sa “second half” ng buwan ng Hulyo.

 

 

Aniya, wala siyang ideya kung kailan magpupulong ang mga miyembro ng IATF-EID para talakayin ang implementasyon ng bagong alert level classifications sa bansa mula Hulyo 16 hanggang 31.

 

 

At sa tanong kung ang bagong alert levels ay ia-anunsyo ngayong araw, sinabi ni Cruz-Angeles na: Titingnan po natin. Medyo speculative kasi maaari naman po tayong gumawa ng extension for necessary agencies kung saka-sakali. So, we’ll see.”

 

 

Matatandaang , nagdesisyon ang IATF na ipanatili ang Metro Manila sa pinakamaluwag na Alert level 1 mula July 1 hanggang July 15.

 

 

Ang  desisyon ay ginawa sa pagbago ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa mga matrice na gagamitin para sa Alert Level System, at sa alert level classification ng mga probinsya, highly urbanized cities, independent component lungsod, component cities at municipalities.

 

 

Aalisin ng bagong matrix ang dalawang linggong growth rate ng pagtukoy ng case-risk classification. Sa halip, ang case-risk classification ay ibabatay sa average na pang-araw-araw na rate ng pag-atake at kasalukuyang mga limitasyon. (Daris Jose)

Other News
  • PDU30, hiniling sa PhilHealth na bayaran na ang bilyon pisong halaga ng utang sa ilang ospital

    HINILING ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa PhilHealth na bayaran na ang bilyong pisong halaga ng unpaid hospital claims sa lalong madaling panahon sa gitna ng COVID-19 pandemic.   “Kinakailangan na pong bayaran iyang pagkakautang na ‘yan. Ang panawagan po ng Presidente kay [PhilHealth director Dante] Gierran ay dapat bayaran ‘yan sa lalong mabilis na […]

  • Police visibility ngayong Holiday Season sa CAMANAVA area, sapat – NPD chief

    TAHASANG sinabi ni Northern Police District (NPD) Director PCol. Josefino Ligan na sapat ang ikakalat nilang mga pulis sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela) area kasabay ng pagdiriwang ng Kapaskuhan.       Ayon kay Ligan, bagama’t inaasahan ang kaliwa’t kanang mga selebrasyon, nakaantabay pa rin ang mga pulis sa lugar upang masiguro ang […]

  • Ads June 11, 2022