Mamamayan, hinimok ng CBCP-ECHC na magpa-booster laban sa COVID 19
- Published on July 16, 2022
- by @peoplesbalita
HINIKAYAT ng opisyal ng CBCP Episcopal Commission on Health Care ang publiko na suportahan ang inisyatibo para sa muling pagpapaturok ng Covid19 vaccine.
Ito ang inihayag ni Rev. Fr. Dan Cancino MI, Executive Secretary ng komisyon kaugnay sa panawagan ng Department of Health na magpa-2nd dose na ang mamamayang Filipino lalo na ang mga nasa vulnerable sector.
Ayon kay Fr. Cancino, kailangan ang booster shot upang mas mapatibay ang ating depensa laban sa Covid 19 lalo na sa mga indibidwal na nagkakaroon ng exposure at palaging nasa labas ng tahanan.
Tiniyak ng Pari na hindi dapat mangamba ang publiko sa muli’t-muling pagpapabakuna sapagkat nakatulong ito upang mapababa ang bilang ng mga nagkakaroon ng severe symptoms at nadadala sa mga pagamutan dahil sa Covid19.
“Nakita natin ang impact ng vaccination, tumataas man ang kaso pero hindi masyadong mataas ang pag utilize ng mga hospital capacity baka ito na ang sinasabi natin na effect ng vaccination so we are promoting it lalo na sa mga Diocese o Probinsya na medyo mas maraming challenges in terms of vaccination.”pahayag ni Fr.Cancino
Inihayag ni Fr. Cancino na suportado ng Simbahang Katolika ang pagpapabakuna batay sa wika ni Pope Francis na ito ay pagpapamalas ng pagmamahal hindi lamang sa sarili kundi maging sa kapwa at sa ating sanilikha.
“Babalikan ko yung sinabi ni Pope Francis, vaccination is an act of love. Ito ay pagpapakita ng pag-ibig natin sa sarili, sa ating mga mahal sa buhay, sa ating kominudad. Ito yun ating moral responsibility na sana lahat tayo ay mabakuhanan, lahat tayo ay umiwas sa sakit at mapalaganap natin ang sinasabing healthy planet. Ito ang contribution natin sa maliit na paraan.”paglilinaw ng Pari na isa rin doktor.
Batay sa datos ng Department of Health ngayon buwan ng Hulyo taong 2022, nasa mahigit 71 milyong indibidwal na ang naka-kumpleto ng Covid 19 vaccine dose sa Pilipinas bagama’t ang nagpa-booster shot ay umaabot pa lamang sa mahigit 15 milyong indidbiwal.
Una nang nanawagan ang Department of Health sa mga naturukan na ng 1st booster vaccine na muling magpabakuna upang matiyak na matibay ang depensa nito laban sa Covid 19.
Ilang mga simbahan o parokya naman sa Pilipinas ang nagsisilbing vaccination hub at katuwang ng Health Sector upang makatulong na mas marami ang magkaroon ng access sa pagpapabukuna. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)
-
Sa Japan napiling mag-celebrate ng 31st birthday: ALDEN, kinukulit na ng mga fans na mag-girlfriend na
“NEW beginnings” na talaga para sa actress na si Sunshine Cruz ang taong 2023. Obviously, wala na sa mga ganap niya ang boyfriend na si Macky Mathay at ang kasaman nila ng tatlong anak na babae ay ang ama nito at ex-husband na si Cesar Montano at bago nitong pamilya. Sa […]
-
JULIE ANNE, paghahandaan ang pagdating ng daring o sexy roles; magpapakilig muna sila ni DAVID
MAPAPANOOD na simula ngayong gabi, April 26, ang pagbabalik-acting ni Asia’s Pop Diva Julie Anne San Jose, sa Kapuso series na Heartful Cafe. Maraming excited na may bagong ka-love team si Julie Anne, si Kapuso hunk actor David Licauco. May isang eksena sa teaser ng show na naka-topless lang si […]
-
Dahil sa nag-out na bilang gay: ‘Stranger Things’ star na si Noah Schnapp, ramdam na ang kalayaan
SA bansang Nepal nagpakita ng kanyang kakisigan ang Kapuso hunk na si Yasser Marta. Noong nakaraang New Year ay bumiyahe sa bansang Nepal si Yasser at in-enjoy niya ang mag-hiking sa magagandang bundok doon. Sa kanyang Instagram ay pinost niya ang breathtaking view ng Himalayas na pinusuan ng kanyang followers. Pero […]