• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

City bus routes sa NCR, posibleng ibalik – DOTr

PINAG-AARALAN ng Department of Transportation (DOTr) na muling maibalik ang mga ruta ng mga city buses sa Metro Manila, kasunod na rin ito ng muling pagbubukas ng mga paaralan sa Agosto.

 

 

Ayon kay LTFRB chairman Cheloy Garafil,  inirekomenda ng ahensiya ang pagbabalik ng pre-pandemic city bus routes, na karamihan ay pumupunta sa university belt at ibang eskwelahan sa National Capital Region (NCR).

 

 

Nabatid na ang city bus routes, partikular ang hindi bumabagtas sa EDSA, ay binubuo ng 30% ng total pre-pandemic routes.

 

 

Tiniyak naman ni Transportation Undersecretary for Road and Transport Infrastructure Mark Steven Pastor na ang available public transportation ay sapat basta’t ideploy ng mga operators ang 90% ng kanilang Public Utility Vehicles (PUVs).

 

 

Nabatid na na-convene na ni DOTr Secretary Jaime Bautista ang iba’t ibang concerned government agencies upang maayos ang mga isyu at problema na kinakaharap ng transport sector.

 

 

Nag-alok din umano ng mga solusyon para ma­kapagbigay ng  accessible, affordable, kumportable, at ligtas na travel experience para sa mga estudyante bilang paghahanda sa transition sa face-to-face classes sa Agosto.

 

 

Ang School Year 2022-2023 ay nakatakdang magsimula sa Agosto 22 habang ang full implementation ng face-to-face classes ay sa Nobyembre 2. (Daris Jose)

Other News
  • Parak kalaboso sa carnapping at shabu sa Malabon

    SWAK sa kalaboso ang isang pulis matapos arestuhin ng kanyang mga kabaro makaraang i-reklamo ng pangangarnap ng motorsiklo at makuhanan pa ng shabu sa Malabon City.     Kinilala ni Malabon police chief Col. Albert Barot ang naarestong suspek na si Jomar Castillo, 32, PNP Member, nakatalaga sa Pasig City Police Sub-Station 2 at residente […]

  • PSC: Praktis ng atleta, ‘di apektado ng COVID-19

    HABANG wala pang pormal na anunsiyo buhat sa International Olympic Committee (IOC) kung itutuloy o hindi ang 2020 Tokyo Olympics sanhi ng coronavirus o Covid-19, tuloy ang ensayo at training ng mga national athletes na sasabak dito at ang mga atletang malaki ang tsansa na makapasok dito.   Ito ang ipinahayag ni Philippine Sports Commission […]

  • Pinas, makawawala sa ₱13T nat’l debt sa pamamagitan ng eco growth

    SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.  na ang “guiding principle” para sa plano ng kanyang administrasyon para makawala mula sa ₱13-trillion national debt ay ang  economic growth.  “We will pull ourselves out of debt via growth. That really is the guiding principle to the economic plan,” ayon sa Pangulo nang tanungin ukol sa kanyang plano […]