PSC: Praktis ng atleta, ‘di apektado ng COVID-19
- Published on March 4, 2020
- by @peoplesbalita
HABANG wala pang pormal na anunsiyo buhat sa International Olympic Committee (IOC) kung itutuloy o hindi ang 2020 Tokyo Olympics sanhi ng coronavirus o Covid-19, tuloy ang ensayo at training ng mga national athletes na sasabak dito at ang mga atletang malaki ang tsansa na makapasok dito.
Ito ang ipinahayag ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman William “ Butch” Ramirez sa isang panayam.
Ayon sa PSC chief, mas makabubuti umano na naghahanda ang mga atleta habang naghihintay ng anumang pahayag buhat sa IOC, hinggil sa kasalukuyang sitwasyon sa buong mundo.
“Our position is to await a formal announcement from the IOC but we have prepared for the worst (scenario),” ani Ramirez.
Nakatuon din umano ang pansin ng nasabing ahensiya sa mismong training ng mga atleta kung kaya naman minabuti nila na piliin Ang mga bansang walang kaso ng nasabing virus upang gawing ensayuhan.
Bukod pa dito ay siniguro din ng PSC chief na protektado ang mga atleta lalo na pagdating sa medical na aspeto upang mapangalagaan ang kalusugan ng mga ito.
“Our elite athletes are training with strong medical provisions,” aniya.
Sinabi pa ni Ramirez na buhos ang suporta ng gobyerno lalo pa nga at naglaan ng kabuuang P100 milyon si Pangulong Rodrigo Duterte para sa preparasyon ng mga atleta patu going Olimpiyada.
“We have the P100 million budget of the President (Rodrigo R. Duterte) to focus on our target of 20 Filipino athletes for the Olympics,” ani Ramirez.
Kabilang sa mga pambato ng bansa na kasalukuyang naghahanda para sa Tokyo Olympics ay sina pole vaulter Ernest John Obiena at gymnast na si Carlos Edriel Yulo, pati na Ang weightlifter na si Hidilyn Diaz.
Bukod pa sa mga nabanggit na mga atleta na my malaking potensyal sa Olimpiyada ay sina judoka Kiyomi Watanabe, taekwondo jin Pauline Lopez, skateboard athlete Margielyn Didal at si Nesthy Petacio at iba pa.
Target ng PSC na makapagpadala ng 20 atleta para sa Olimpiyada, habang sa kasalukuyang ay sina Obiena at Yulo pa lamang ang may sigurado nang tiket.
Samantala, nakatakda namang tumanggap ng parangal bilang Executive of the Year si Ramirez para sa gaganaping SMC-PSA Annual Awards Night ngayong Biyernes sa Centennial Hall ng Manila Hotel. (REC)
-
Groundbreaking ng Proyektong Kakaiba sa Valenzuela, pinangunahan ni WES
ISINAGAWA ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pangunguna ni Mayor Wes Gatchalian ang groundbreak ng ilang Proyektong Kakaiba, katulad ng New Valenzuela City Emergency Hospital (VCEH) – Multi-level Parking Building, New Annex Building, Rehabilitation ng Main Building na matatagpuan sa Brgy. Dalandanan, at ang New and Improved Valenzuela City Central Kitchen (NIVCCK) sa Brgy. Malinta, […]
-
Delgaco sa rowing finals
TUMAAS sa lima ang event na kakasahan ng Philippine Rowing Association (PRA) bets sa Online 31st World Rowing Indoor Championships 2021 Finals sa Pebrero 23-27 sa pagpasok pa ng lima na pinangunahan ni PH 2019 Southeast Asian Games gold medalist Joanie Delgaco. Pasok siya siya kasangga si Mireille Qua sa Under 23 Women […]
-
Full audit at investigation sa Oplan Double Barrel
NANAWAGAN si House Assistant Minority Leader at Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas sa Commission on Audit (COA) na magsagawa ng isang komprehensibong audit sa Oplan Double Barrel ng Duterte administration kasunod ng naging pagbubunyag ni dating Philippine Charity Sweepstakes Office general manager Royina Garma. Garma ukol sa cash rewards kada pagpaslang sa war on […]