• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinas, target ng China na tulungan na mapahusay ang internet speed

UPANG mas mapalakas pa ang “connectivity” sa mga Filipino, target ng China na tulungan ang Pilipinas na mapahusay ang internet speed nito.

 

 

Ayon kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian, pinag-usapan ng Pilipinas at China ang apat na mahahalagang aspeto ng kooperasyon gaya ng agrikultura, imprastraktura, enerhiya at people to people ties.

 

 

“We should work even more in new infrastructure area, like in telecommunication, AI (artificial intelligence) and all these kind of information technology,” ayon kay Huang.

 

 

Sa kabilang dako, nakipagkita rin si Huang kay Information and Communications Technology (ICT) Secretary Ivan Uy para pag-usapan naman ang pagtutulungan o kooperasyon sa  ICT.

 

 

Nauna nang sinabi ni Uy na ipaprayoridad niya ang  internet connectivity, lalo na sa komunidad na nakatira sa malalayong lugar.

 

 

Sinabi pa ni Huang na ang maritime dispute sa pagitan ng Pilipinas at China ay dapat na talakayin sa pamamagitan ng maayos at mapayapang dayalogo.

 

 

“We have different positions.. so the best way is diplomatic dialogue and communication. And we believe, we are both neighbors we can do that. Second is we place our differences in a proper place in the overall bilateral relations,” aniya pa rin. (Daris Jose)

Other News
  • Developing Possibilities with Vibe Technologies

    After over a decade of delivering innovation to its partners, Vibe Technologies was officially launched before the public and the media. Vibe, which stands for Vibal Interactive Book Engine, has come a long way from being an affiliate company of the renowned print and publishing company Vibal Group. Spearheading numerous initiatives that respond to the […]

  • Bakuna para sa COVID-19 baka magawa sa 18 buwan

    Sinabi ng World Health Organization (WHO) na posibleng magkaroon na ng unang bakuna laban sa novel coronavirus disease 2019 (COVID-19) matapos ang 18 buwan.   “It may be 18 months before the first vaccine is available, so we have to do everything today, using available weapons,” pahayag ni WHO director-general Tedros Adhanom Ghebreyesus sa isang […]

  • HEART, nagbuhay-reyna habang nagbabakasyon sila sa Amerika dahil kay Gov. CHIZ

    FINALE week na simula ngayong gabi (January 3) ng GMA Primetime series na The World Between Us nina Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith, Sid Lucero, Tom Rodriguez, Dina Bonnevie at Jaclyn Jose.     Kaya excited na ang mga televiewers na malaman kung paano magwawakas ang serye na dinirek ni Dominic Zapata.      Nagkaroon kasi […]