Price ceilings sa school supplies ipatupad
- Published on July 18, 2022
- by @peoplesbalita
PINAKIKILOS ng isang mambabatas ang Department of Trade and Industry (DTI) upang imonitor at pigilan ang inaasahang pagtaas ng school supplies kaugnay ng full face-to-face classes sa taong ito.
Ayon kay 2nd District Quezon City Rep. Ralph Tulfo, dapat magpatupad ng price ceilings ang DTI sa presyo ng mga school supplies sa halip na Suggested Retail Price (SRP).
Inihayag ng solon , nababahala siya na dahilan sa mataas na presyo ng mga school supplies ay mapagkaitan ng edukasyon ang mga estudyanteng mula sa mahihirap na pamilya.
Ito’y sa gitna na rin ng krisis sa nagpapatuloy na COVID-19 pandemic at maging sa serye ng pagtaas ng presyo ng langis at iba pang produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado.
Sinabi ni Tulfo na kung tataas ang presyo ng school supplies at maging ng tuition fees ay maraming mga estudyante ang hindi na makakabalik eskuwela.
Una nang inihayag ni Department of Education Secretary at Vice President Sara Duterte na magbabalik eskuwela na ang mga estudyante sa Agosto pero ang full face-to-face classes ay isasagawa na muli sa darating na Nobyembre ng taong ito. (Ara Romero)
-
ASEAN, dapat na magdoble-sikap na panindigan at itaguyod ang international law
DAPAT lamang na magdoble-sikap ang ASEAN na itaguyod at panindigan ang international law sa rehiyon. “In order to harness the potential of our region, I believe that ASEAN must double its efforts especially in these following priority areas: first, ASEAN should uphold international law and the international rules based system which has underpinned […]
-
Kumayod nang husto para sa mga pangarap: TEEJAY, marami ring pinagdaanan na hirap sa buhay
UNANG beses na napanood ni Teejay Marquez ang pelikula nilang “Mamay: A Journey to Greatness (The Marcos Mamay Story)” sa special screening nito noong Agosto 27 sa Cinema 1 ng SM Megamall. Ang una naming itinanong kay Teejay ay kung ano ang naramdaman niya matapos mapanood ang pelikula. Lahad niya, “Siyempre nakatutuwa and […]
-
Cash aid para sa turismo at scholarship, ibibigay na
NAKAHANDA na ang bilyong-bilyong cash aid para sa turismo at scholarship ng mga overseas Filipino workers (OFWs) na apektado ng pandemya. Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, kabuuang P13 bilyon ang maipapamigay na payout. Kasama na rito ang P3 bilyon para sa sector ng turismo, P bilyon para sa scholar na anak […]