• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gilas nakatutok sa playoff stage

SESENTRO  na ang atensyon ng Gilas Pilipinas sa krus­yal na playoff stage ng FI­BA Asia Cup sa Istora Ge­lora Bung Karno sa Jakarta, Indonesia.

 

 

Wala nang puwang ang anumang kabiguan sa playoffs kung nais ng Pi­noy squad na makapasok sa quar­terfinal stage ng torneo.

 

 

Makakasagupa ng Gilas Pilipinas sa playoffs ang ma­tatalo sa Iran at Japan.

 

 

Nakatakdang mag­harap ang Iran at Japan ka­hapon gayundin ang Gi­las Pilipinas at New Zealand para sa pu­westuhan sa group stage.

 

 

Anuman ang mangya­ri sa final day ng group stage ay kailangan na itong kalimutan ng mga Pinoy ca­gers upang tutukan ang mas mabigat na laban sa playoffs.

 

 

“We have a very young team here, and for them to be able to experience this kind of very high-level com­petition, I think that’s the most important thing,” sa­bi ni Gilas head coach Chot Reyes.

 

 

Naniniwala si Reyes na hindi basta-basta susuko ang kanyang mga bataan na binubuo ng mga bagitong players.

 

 

Bitbit ng tropa ang pu­song palaban na inaasa­hang magdadala sa ka­nilang mga laro.

 

 

“No matter how difficult it is and adversity, we have a chance. For as long as we have a shot to have a chance. For as long as we have that shot, we’ll take it,” ani Reyes.

 

 

Nais ng Gilas Pilipinas na malampasan ang se­venth-place finish sa huling edisyon ng FIBA Asia Cup noong 2017 sa Lebanon.

 

 

“We’d rather take that shot then miss than not take it. Right there, bashers and haters and all, we’d rather take that shot then miss than not take it,” ani Reyes.

 

 

Gusto ni Reyes na may matutunan sa torneo ang mga bagitong players para sa mas malalaking torneong lalahukan ng Gilas Pilipinas kabilang na ang 2023 FIBA World Cup na ida­raos sa Pilipinas.

Other News
  • Palasyo itinangging idinawit si Hidilyn Diaz sa ouster matrix noon, kahit totoo naman

    Imbes na humingi ng tawad, itinanggi pa ng Malacañang na naglabas sila ng “matrix” na nagdadawit sa isang atletang Pinay sa pagpapabagsak ng gobyerno ngayong nanalo ang nabanggit sa Olympics.     Mayo 2019 nang maglabas ng listahan si dating presidential spokesperson Salvador Panelo patungkol sa mga nais daw mag-destabilisa sa gobyerno ni Pangulong Rodrigo Duterte — […]

  • US$600-M inutang ng gobyerno para palakasin ang agri at fisheries sector

    NASA US$600 million ang inutang ng gobyerno sa World bank na gagamiting pangtustos sa Philippine Rural Development Project (PRDP) Scale-Up na layong baguhin ang agrikultura para sa isang moderno at industrialized sector sa pamamagitan ng public infrastructure intervention at palawakin ang commodity value chain.     Ang PRDP Scale-Up ay proyekto ng Department of Agriculture […]

  • LALAKI NA PINANGBILI ANG P1K NA AYUDA NG DROGA SA KYUSI ARESTADO

    ARESTADO ng Quezon City Police District ang isang 40-anyos na lalaki matapos makumpiskahan ng shabu na binili gamit ang natanggap na P1,000 na ayuda mula sa gobyerno.     Sa ulat, na ipinadala kay QCPD Director P/B.Gen Danilo Macerin ni P/Lt.Col Melchor Rosales, alas-3 ng madaling araw nang sitahin ang suspek na si Joven Llera, residente […]