MAGKAPATID NA OPISYAL INARESTO SA PASTILLAS SCAM
- Published on September 24, 2020
- by @peoplesbalita
INARESTO ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang opisyal ng ahensya at kapatid nito na personnel naman ng Bureau of Immigration (BI) sa alegasyon ng pagkakasangkot sa manipulasyon at pangingikil sa imbestigasyon ng NBI kaugnay sa pastillas scam.
Nabatid na inaresto ng NBI Special Action Unit ang hepe ng NBI Legal Assistance Section na si Chief Atty. Joshua Capiral at kapatid na si Christopher Capiral na immigration officer.
Si Atty. Capiral ay siya umanong in charge sa pagsusuri ng imbestigasyon ng Special Action Unit (SAU) sa kontrobersyal na pastillas scam kung saan may kapangyarihan ito kung sino ang irerekomendang maisama o hindi sa kaso na mga immigration officers para sa SAU findings at sariling rekomendasyon.
Kinumpirma naman ni Atty. Ferdinand Lavin, ang deputy director at tagapagsalita ng NBI, na naaresto nga ang magkapatid dahil sa nasabing alegasyon.
Sa akusasyon,tumatanggap daw ng bribe si Atty. Capiral para makalusot ang immigration officer na nahaharap sa kaso dahil sa Pastillas Scandal. (GENE ADSUARA)
-
Gilas coach Baldwin pinuri ang laro ni Sotto
Pinuri ni Gilas Pilipinas coach Tab Baldwin si Kai Sotto sa laro ng national team sa 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers. Inamin nito na hindi man gaano kahanda ang 7-foot-3 player ay mayroon itong puso sa paglalaro. Halatado aniyang nahirapan si Sotto na tapatan ang mas may karanasang basketbolista ng South […]
-
Paramount officially delays ‘Mission: Impossible 7′ to September 2022, ‘Top Gun: Maverick’ to May 2022.
THE Mission: Impossible 7 release date has been delayed to September 2022. Beginning production in early 2020, the upcoming action sequel has been one of the many Hollywood projects greatly impacted by the ongoing COVID-19 pandemic. Filming has been shut down multiple times, prompting studio Paramount to sue Mission: Impossible 7’s insurance company. The movie has […]
-
Gilas 3×3 todo ensayo na!
Doble-kayod na ang Gilas Pilipinas 3×3 bago tumulak patungong Graz, Austria para sa FIBA 3×3 Olympic Qualifying Tournament sa Mayo 29 hanggang 30. Ayon kay Gilas 3×3 head coach Ronnie Magsanoc, sumasalang sa dalawang ensayo kada araw ang kanyang bataan dahil ngayon lamang nakumpleto ang tropa. “In terms of effort, I […]