• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, pinanatili ang COVID Alert Level System; target ang bagong health restrictions classification

SINANG-AYUNAN ni Pangulong  Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na manatili ang COVID-19 Alert Level System, sa ngayon lang habang naghahanap at pinag-aaralan na i-reclassify ang restrictions na komportable sa kasalukuyang milder strains na nakahahawa sa pasyente.

 

 

Ito’y matapos na ihayag ng mga health authorities na makapagpapalabas sila ng bagong alert level classification  sa kalagitnaan ng Agosto.

 

 

Sinabi ni Pangulong Marcos na ang  alert level ay maaaring i-adjust o i- improved kung ang mga tao  ay magpapa-booster shots.

 

 

“To avoid confusion, we will retain the alert level system for now. We are however thinking, we are studying very closely, and we’ll come to a decision very soon as to decoupling the restrictions from the alert levels,” ang pahayag ni Pangulong Marcos sa pulong kay Department of Health Officer-In-Charge Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

 

 

Sinabi ni Vergeire na ang DOH ay maaaring makapagpalabas ng bagong  classifications sa ikalawang linggo ng Agosto.

 

 

‘Mid-August is a suitable period to loosen up to allay fears of the medical community and give them time to make COVID-19 cases more manageable,” ayon Kay Vergeire.

 

 

Aniya, ang bansa ay nahaharap sa “uptick” sa COVID-19 cases dahil sa mataas na nakahahawang Omicron BA.5 variant.

 

 

Base sa kasalukuyang pagtataya, “more relaxed compliance to minimum public health standards (MPHS) would result in a higher number of COVID-19 cases,” ayon kay Vergeire.

 

 

“With the emergence of new COVID-19 variants, the virus’ immune-escaping mechanism also increased. Experts project that if eligible individuals do not take the jabs, the country will witness increased hospitalizations by September,” aniya pa rin.

 

 

“So that’s why we really wanted to capture all of this eligible population bago dumating ‘yung time na projection na sinasabing September,” lahad nito. (Daris Jose)

Other News
  • CLINICAL TRIAL NG MEDICAL CANNABIS, ISASAGAWA SA PILIPINAS

    IBINUNYAG ng scientist at inventor na si Richard Nixon Gomez sa isang forum na may malaking kumpanya sa ibang bansa na magsasagawa ng phase 3 clinical trial para sa medical cannabis dito sa Pilipinas. Aabot aniya sa 50 millon US Dollar ang nasabing proyekto.     Sa naturang medical trial ay dito sa ating bansa […]

  • E-Commerce bill, hiniling ng DTI sa Senado na aprubahan

    HINILING ng  Department of Trade and Industry (DTI) sa Senado na aprubahan ang pagpapasa upang maging ganap na batas ang  Internet Transactions Act.     Sinabi ni DTI Assistant Secretary Mary Jean Pacheco  na ang Internet Transactions Act, o  E-Commerce law, ay isa sa mga priority legislative agenda ng administrasyong Marcos.     “We’d like […]

  • PDu30, kumpiyansa na maipapanalo ng ASEAN ang laban nito sa Covid- 19

    KUMPIYANSA si Pangulong Rodrigo Duterte na maipapanalo ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang laban nito sa Covid-19 sa kabila ng mga hamon na kinahaharap nito.   Sa 54th founding anniversary na ginunita ng ASEAN, sinabi ng Pangulo na hindi na estranghero sa mga ASEAN member states ang hirap ng panahon at pagkakataon dahil […]