Mga consumers, hinimok ng pamahalaan na mamili sa mga malalaking mga supermarkets at groceries
- Published on July 20, 2022
- by @peoplesbalita
PARA makatipid at matiyak na tugma ang SRP sa item na bibilhin ng mga consumers, pinayuhan ni Trade and Industry undersecretary Ruth Castelo na sa mga malalaking pamilihan o sa wholesalers pumunta at bumili ng kailangan upang kahit paano’y makamenos sa mga panahong ito.
Ani Castelo, hindi lang compliant kundi mas mababa pa sa itinakdang suggested retail price o SRP ang ilang mga ibinibentang produkto sa mga malalaking supermarkets at groceries.
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Castelo na lumalabas na may nakita silang mga produkto na mas mababa pa ng dalawang piso kaysa sa itinatakda nilang SRP ang ibinibenta sa malalaking supermarkets.
Ito’y sa harap na rin ng patuloy nilang pagmomonitor ng SRP sa iba’t ibang mga pamilihan.
Samantala, may iba pang produkto na hanggang apat na piso pang mas mababa sa SRP. (Daris Jose)
-
Go with the flow na lang sila ni Mikael: MEGAN, ‘di nilalagyan ng date kung kailan mabubuntis
MAHIGIT tatlong taon ng mag-asawa sina Megan Young at Mikael Daez, January 25, 2020 sila ikinasal, kaya naman hanggang ngayon ay inaabangan pa rin ng publiko kung kailan sila magkakaroon ng anak. “Eto na… hintayin niyo pa lalo,” ang bulalas ni Megan. “Hindi mo nilalagyan ng date ang mga ganyan, nangyayari lang talaga. […]
-
Ads October 27, 2022
-
‘Bayaran niyo ang pinsala dahil sa climate change’
TINULIGSA ni Presidente Rodrigo Duterte ang mayayamang mga bansa na siyang dapat magbayad sa mga dinaranas ng developing nations tulad ng Pilipinas sa epekto ng climate change. Ginawa ng pangulo ang pahayag sa kanyang lingguhang Talk to the People at matapos ang pagbisita niya sa mga lugar na tinamaan ng bagyong Agaton. […]